Top 5 Home Upgrades On Installment Na Solb At Sulit

Nag-survey kami ng kung ano bang TOP HOME UPGRADES ang gusto ng mga hulugan shoppers. At eto na nga ang results. Ilan dito ang na-check mo sa listahang ‘to?

Masasabing essential ang pagkakaroon ng laptop. ‘Di na ito luxury o luho dahil in demand na ang ability ng mga tao na mag-work at mag-study sa bahay o kung saan man. Maraming parents ang naghahanap ng budget options para mapunan ang immediate need na ‘to lalo na para sa mga students.

Nagiging mas malinis ang mga bahay ngayon dahil sa pagi-ingat sa pagkakaroon ng sakit lalo na sa mga seniors at mga bata. Ang cordless vacuum ay gusto ng mga home buddies na tamad mag-walis o kaya naman gustong may added layer ng paglilinis sa kanilang space. Mas convenient din itong gamitin dahil ‘di ka maabala sa cord na malimit nagbubuhol o nakaka-patid.

Para naman sa mga bata at seniors na malimit ay malabo ang mata, the bigger screen, the better. Mas madali ding i-operate dahil mas kita ang buttons. Para sa mga magulang na nagmo-monitor ng pinapanood ng mga bata sa bahay, mas madali ring makita kahit medyo malayo sa’yo ang alaga nila.

Sa panahon ngayon, ‘di enough ang naka-aircon lang. Dapat ay subok na swak sa pagiging energy-efficient ang aircon. Dahil iba-iba ang weather, magandang may aircon na maasahan lagi. Tandaan na dapat swak sa space ang aircon na kukunin mo.

Last but not the least, washing machine! Para sa mga masipag mag-laba, ‘di na kailangang mahirapan o masyadong mapagod. Laking ginhawa na may kapartner kang washing machine para walang aayaw sa kabundok na labada, ‘di ba?

I-check na ang susunod sa listahan mo ng top home upgrades dito sa Home Credit. Magaan na hulugan at may instant pre-approval ka rin ‘pag sa app ka kumuha ng product loan application.

Related Posts

0% Summer Budget Finds Na Panalo For Home Upgrade
Home Credit supports PH esports team SIBOL in 31st Southeast Asian Games
Bagong Deals Na Naka-0% Installment Lahat Until May 31 Lang ‘To!
Handyman HC Live: Ano Bang Sulit Hulugan Summer Getaway Finds?
See all Finance Articles