#TeamiOs o #TeamAndroid: Sinong Nambawan?

Marami ng nangyari, marami ng naganap ngayong 2️⃣0️⃣2️⃣0️⃣ , pero ang isa sa mga top favorite questions ‘pag dating sa usapang cellphone🤳 ay kung ano ba ang mas ✨maganda✨ –iOs o Android?

Mahaba-habang 🗣️debate ‘to, pero susubukan ng up and coming na tech vlogger na si qkotman na i-clarify ang mga #FakeNews tungkol sa hot topic na ‘to.

But, wait! Konting background muna.

Maliban sa #brandwars, eto ang ilang mga pinaglalaban ng #TeamiOs:
💯Mas secure daw ang iOs
💯Exclusive ang mga apps at pati na rin ang experience ng mga iOs users
💯Matagal humina ang quality
💯Mas premium o angat ang feeling ng naka-iOs

Hindi naman papatalo ang mga #TeamAndroid at ang kanilang bitbit na hirit:
🎯Mura, sulit at maganda pa
🎯Unlimited options ng mada-download
🎯Mas madaling mag-troubleshoot dahil mas maraming gumagamit
🎯Mas masarap i-personalize dahil maraming features

And, now, let the #NoToFakeNews lessons come in! Syempre, lahat ng ‘to ay mula kay Boss qkotman at kanyang signature real talk quotes.

Q: Bakit ang daming apps ng Android?

A: Dahil lahat ng developers or programmers ay puwedeng i-access ito. Isa pa, napakarami ng releases ng Android compared sa iPhone na iisang brand lang ang focus.

Constant choice naman ng iOs na maging gwardyado ang galawan nila. ‘Di naman ibig sabihin nito ay mas kaunti o limited ang options ng users nito dahil kilala ang Apple na matinde ‘pag dating sa research and development.

Q: Okay bang mag-root ng Android kasi open source naman pala ‘to?

A: Ayon kay qkotman, hard no na gagawa s’ya ng content tungkol sa pagru-root. Noon, marami-raming security issues ang Android, at bilang isang ‘di pagigibang brand, nag-focus na rin sila sa pag-pulis ng mga security threats. ‘Di nga lang perfect pa kasi nga, napakalawak ng mundo ng Android.

Q: iOs, Android at battery life –please show me the way!

A: Isang magandang discussion ni qkotman ay ang truth sa expectation versus reality ng mga nangangarap magkaroon ng phone na #TeamiOs represent.

Bottomline e kung ang budget mo e ‘pang iPhone 8 pababa, magco-compromise o magsa-sacrifice ka talaga ng battery life. Kahit pa sabihing optimized ang iOs, ang moderate at heavy app users lalo na kung para sa work o pang-matindeng gaming e, kakainin talaga ang battery mo.

Maraming options na mula sa #TeamAndroid na may malalaki at powerful battery life. Minsan nga, masasabi mong impressive ang performance nila ‘pag dating sa pangmatagalan o ‘di umaayaw sa gaming, panonood ng videos at telebabad na rin.

Q: Ano ba talaga ang best option mo?

A: Depende ‘yan sa personality at lifestyle mo. Isama mo na rin ang budget mo. Kung loyal ka sa isang brand, wala ng question. Tapos na ang usapan. Kung gusto mo namang sumubok ng bago, puwede ka namang mag-switch para maiba.

Kung ano man ang decision mo, naka-shop now, pay on 0% installment later lahat ng cellphone na hanap mo from Home Credit Marketplace!

Related Posts

Home Upgrade Now, Pay Later: Find the Best Samsung Appliances at 0% Interest!
Join our TikTok Dance Challenge and win up to 6,000 pesos!
Shop Now, Pay Later Deals Up to 66% Off
Tuloy-Tuloy na Services sa My Home Credit Mobile App this ECQ
See all Finance Articles