Sulit Home Upgrades Ng Budgetera

Bago ba ang bahay o rented space mo? O kaya naman, gusto mong baguhin ang design ng luma mong apartment o condo? ‘Di mo kailangan ng budget na todo. I-check out mo ang mga essential home upgrades na solb sa ganda, sa pagiging practical at sa syempre, sa abot mong installment.

Ang budgetera na gustong maitawid ang goal niyang small space ay ang:
❤️Multi-purpose furniture
❤️Tipid sa kuryenteng washing machine
❤️Aircon na ‘di old school
❤️TV na ‘di nakakaubos ng oras sa pag connect sa devices mo

Ang SOFA BED ay ‘di lang pang-sala, pang-instant sleeping o resting spot pa. ‘Di mo na kailangang pumunta sa kwarto para makapag-relax. Dahil din sa pagiging flexible nito, kahit gaano kaliit ang space mo, ‘di ka hirap mag-design at malagay ng gamit dito.

Ang energy-saving washing machine naman, ‘di ka papaiyakin ‘pag bayaran na. Mas madali ng itawid ang due date, but wait, there’s more. Ang mas advanced features nito ay may technology din para maka-save ng tubig at pati na rin iwas-sira ng damit mo. May modern look and compact designs din para ‘di mahirap i-blend sa aesthetic na gusto mong i-achieve.

Ang aircon na may advanced features naman ay essential na rin talaga dahil maraming araw at gabing nakaka-init ng ulo kasi nga naman, sobrang hassle matulog o kahit mag-work from home. Keep your fresh look and feel fresh na rin para matawid ang deadline o gusto mo lang talagang magkaroon ng mas maayos na relax time.

Speaking of relax time, chill na chill ang panood ng budgetera kung ang TV mo ay solid sa linaw, solid sa sound at syempre solid din sa tibay, ‘di ba? Ang malaki at malinaw na TV ay isang “reward” sa bawat araw o gabi na gusto mo lang manood na paborito mong KDrama, horror series, o kung ano mang love mong panoorin.

Related Posts

0% Interest On Samsung Phones Up To 24 Months To Pay
Pay Day Installment Shopping Deals On 0% Interest From Home Credit
10.10 Home Credit Installment Sale! LIMITED OFFER!!!
Get Home Credit’s Big-9 Bigtime Anniver-SAYA Deals! 0% Interest Installment Deals
See all Finance Articles