Small Business Sa Bahay? Game Ka Na, Nanay?

Maganda buhay? Start mo na ‘yan bahay, dear nanays! Para sa mga momshies na gustong makatulong sa pag-taguyod ng pamilya pero ‘di puwedeng mag-trabaho sa labas, eto ang mga #SmallBizHacks para sa inyo.

Sabi ng 1 out of 2 nanays sa survey namin, food business ang gusto nilang i-try. Paano nga ba magsisimula sa maliit o limited budget, oras at pasensya na rin? Check out these options.

FROZEN ULAM ang patok para sa mga momshies na may mas malaki o maluwag na available space. Puwede ilagay sa garahe o kahit sa kwartong ‘di masyadong nagagamit. Ang chest freezer ay isang sulit investment para sure ang freshness ng ititinda mo. Magsimula sa maliit o manageable stock. Piliin mo rin ang mga food items na mabili sa kapitbahayan mo. Puwede mong i-survey ang competitors mo. Solb na solb din ang frozen ulam kung medyo malayo ang bahay n’yo sa grocery, talipapa o palengke. Magandang at mabilis na idea din ang pagiging isang reseller. I-check mo na rin ang energy consumption bago mo i-take home ito.

ICE at ICE CREAM naman ang puwedeng option sa mga wais na momshies na walang time masyadong mag-prepare o mag-isip ng ulam o goodies na ibebenta. Pumili ng mas space-saving freezer para kahit limited o maliit ang space, ‘di mo ito magiging sakit ng ulo. Kung ang bahay mo ay nasa medyo matao na lugar, mas malaki ang chance mong mapansin at makabenta na rin. Alamin mo kung anong flavors ice cream ang gusto ng target market o soon-to-be suki mo.

At para naman sa mga momshies na may oven o steamer at mahilig mag-bake at mag-experiment, ang customizable budget cakes and other baked goodies ang choice na puwede mong i-consider. Kailangan mo na malaki-laking ref para sure na pasok ang boxes at baking supplies na chilled. May mga bakers din na nagiging conten creators sa TikTok, Instagram at Facebook.

Subukan mo at baka eto na ang pangarap mong patok na small business na maipagmamalaki mo at magpapalaki rin sa income ng pamilya mo. Kung kailangan mo ng kapartner sa pag-abot ng dream na ‘to, ihanda mo na ang 2 valid IDs at i-check ang freezer, cooler, chiller o refrigerator na pasok sa hulugan na kaya mo. Momshies, dream big at magsimula ng sarili mong negosyo! Kayang-kaya mo ‘to!

Related Posts

0% Interest On Samsung Phones Up To 24 Months To Pay
Pay Day Installment Shopping Deals On 0% Interest From Home Credit
10.10 Home Credit Installment Sale! LIMITED OFFER!!!
Get Home Credit’s Big-9 Bigtime Anniver-SAYA Deals! 0% Interest Installment Deals
See all Finance Articles