#Realtalk: Realme 7 or Realme 7 Pro

Another good news from a new crowd favorite, realme! Budget phones na maganda ang performance, design at higit sa lahat, malakasang battery life na backed up with quick charging —yan ang realme 7 at realme 7 pro.

Nag-volt in ang mga content creators na sina Ian Rustia, Liztech, Team Yugatech at Jam Ancheta para malaman mo kung ano nga ba ang difference ng dalawang very quick charging phones na ‘to. Eto ang highlights na review nila.

Ang highlights ng realme 7 pro para kay LizTech ay ang no-hassle gaming capabilities nito lalo na ‘pag dating sa Mobile Legends. Walang heating issues, ‘di madaling ma-drain ang battery kaya perfect ‘to para sa mga casual at hardcore gamers.

Dahil nga good gaming phone ang realme 7 pro, wala kang magiging major problems kung ikaw ay isang multitasker. At bonus na rin ang display nito na buhay na buhay ang colors at ang sarap sa mata ng pagka-linaw nito.

Camera na puwede sa selfie, sa social media posting at pati na rin pang-vlogging o liveselling? Sample shots from realme 7 pro, coming up!

Hindi naman papahuli ang mas murang realme 7. Alamin natin ang feedback ng tech vloggers na iba’t iba rin ang gusto ‘pag dating sa priorities nila sa phone.