Professional MOBA Gamer ka ba?

Hindi na maipagkakait na ang MOBA gaming or Multiplayer Online Battle Arena gaming ay isa nang legit na sports. Noong nakaraang ASEAN games, isa ito sa mga events na kasali sa listahan ng competitions. Masasabi na din nating isang professional sports ito tulad ng Basketball, Volleyball, at iba pang team games.

Bakit? Simple lang naman: sa Basketball 5v5 ang labanan na dapat pagsikapan ng bawat members ang team plays and dapat may teamwork, sa MOBA 5v5 din ang labanan at pinagsisikapan din ang team plays and teamwork.

Ang professional players ng MOBA ay maihahalintulad na din sa professionals ng ibang larangan.

Isa ka ba sa mga professionals? Alamin sa checklist namin.

Team First, Always Mentality

Sa team games, ang parangal ay hindi lang para sa’yo, para ito sa lahat ng kasama mo sa team. Ganoon din kapag natalo kayo, hindi lang ikaw ang dapat sisihin kung hindi lahat ng nasa team. Alam ito ng lahat ng professional players, hindi lang sa MOBA, pati na rin sa lahat ng team sports.

Kaya professional ka kapag inuna mo sa isip mo ang team kaysa sa sarili mo dahil hindi ka mananalo sa isang TEAM GAME kung nagiisa ka lang sa team – hindi na team ang tawag doon kundi individual sports.

Kapag sarili mo lang ang iniisip mo – dapat maka 99 kills, walang deaths, “bahala na ang ibang kasama ko” – siguradong hindi kayo mananalo dahil hindi kayo in-synch ng mga kateam mo mentally. This causes a lot of problems sa gameplay.

Effective Communicator

Sa larong volleyball, mapapansin mong maingay ang mga players sa loob ng court dahil mahirap na magagawan ng bola dahil hindi mo sinabing “mine”. Masakit maagawan ng dapat sa’yo – no hugot intended.

Ganoon din ang professionals ng MOBA. Kung mapapansin niyo sa live steams ng e-sports championships, may mga headphones with microphone ang mga manlalaro para magusap kung ano ang dapat gawin, di dapat gawin, kung ano ang ginagawa, kung aatake or aatras.

A large percentage ng good gameplay or “set” ay nangyayari dahils sa mabisang pakikipagusap.

Setting Emotions Aside

Marami nang NBA games na di natin makalimutan dahil ang taas ng emosyon ng isang player sa isang team. Dahil dito, may mga memorable NBA Fights Compilation na ang mga players na ito sa Youtube. Ang masaklap ay talo ang teams ng mga emotional players na ito – double kill: talo ka dahil pikon ka, talo team mo dahil pikon ka.

Kapag nanalo naman, 99.99% of the time, papagalitan yan ng coach at most likely di makakapasok sa susunod na game until coach decides.

Professional MOBA player ka if di ka pikon or emotional sa paglalaro at palagi kang nagiisip ng ano dapat gawin at nakikipagusap ng maayos sa team mates mo.

Isang disadvantage din ng paglalaro na may dalang heavy emotion ay pagtaas ng stress hormones na nagsasanhi ng physical fatigue kahit di naman gumagalaw ang buong katawan mo. Masama ito sa kalusugan.

Beginner Friendly and Mentorship

Sa larong volleyball, may mga juniors na pinapapasok sa team roster. Most of the time, nakakaapekto ang skill level ng mga juniors sa gameplay during practices.

Pero dahil professional tayo, the seniors don’t attack the juniors for their developing skills instead, sinusuportahan nila ang mga ito at nagcocoach.

Sa MOBA, hindi maiiwasang may mga gustong magpractice ng isang hero na nakakailang gamit pa lang niya. Professional ka if pinagpapasensyahan mo ito at nakikipagcommunicate ka sa “noob” para mas matuto pa.

In a way, tinutulungan mo din ang ibang makakalaro niya in the future para di na din sila magpasensya pa the next time around. Higit sa lahat, hindi ka nagiging “Know it all”, “feeling pro”, or toxic sa mga nakakalaro mo.

Fully Equipped and Ready

Di reason na “tinawag pa ako ng girlfriend ko” or “nagluluto pa kasi ako” habang may game kayo ng team mo.

A professional player sets schedule for practices and for tournaments and commits to it.

Luckily, dahil Home Credit tayo, you can invest in better gaming phones.

JD Magallano, Hogwarts Headmaster

Related Posts

Home Upgrade Now, Pay Later: Find the Best Samsung Appliances at 0% Interest!
Join our TikTok Dance Challenge and win up to 6,000 pesos!
Shop Now, Pay Later Deals Up to 66% Off
Tuloy-Tuloy na Services sa My Home Credit Mobile App this ECQ
See all Finance Articles