Paano Mag-pose Para Mas Slim Ka

Lighting? Check. Background? Check na check. Eh ang pose mo, ready na rin ba? Pangarap mo ba ‘yung mga effortless na #FitnessGoals posts ng mga paborito mong artista? Sana all, noh? Pero, madali lang i-push ‘yan, girl! Ito ang ilang tips to work it sa harap ng camera.

Photo from Dot

#1 I-todo ang pag-angle
Lahat tayo gustong ipakita ang ating “good side”…sa camera. Hanapin ang angle kung saan ka magiging confidently beautiful with a heart! Side angles ang pak na pak dahil may pa-shadow effect na ganapan. Ang camera dapat uma-angle rin! Minsan mas flattering ‘pag mataas ng slight ang kuha ni friend.

Photo from Dot

#2 Instant Tangkad at Iwas Braso de Mercedez
Sa mga naghahangad ng slimmer arms or legs, hindi pa huli ang lahat! Simpleng rule: iwasang sa tabi lang nakalagay ang braso mo. Galaw-galaw dapat! Pwedeng mag sakit-ulo pose, sakit-tiyan pose, or sakit-ngipin pose para magka korte ka.Maganda ring i-stretch, i-point, or i-bend ng slight ang paa mo para mukhang matangkad ka. Magic, ‘di ba? Siyempre kailangan pati legs bigyan ng drama.
Bonus tip:Nakakatangkad din kapag galing sa ibaba o low angle ang kuha.

Photo from Dot

#3 Hingang malalim…teka lang, hold it.
Para sa isang makapag pigil-hiningang photo…pigilang huminga kapag nag papa-picture. Mga three seconds lang naman. Ito ang sikreto sa tila mas payat na tiyan. Gumagawa rin ito ng ilusyong mas defined ang balikat mo.

Tandaan:Tiis-ganda is temporary, but pictures are forever!

Photo from Dot

#4 Ipakita ang iyong best features…ikinaganda mo ‘yan!
Paa, tuhod, balikat, o ulo mo man ang sa palagay mong best asset mo, ilaban mo ‘yan! Pagdating sa posing, kailangang naka stand-out ‘yung gusto mong mag stand-out.
Ilabas mo nang onti ang baba mo para mukhang payat ang leeg mo. Makakamit mo dito ‘yung “nakakatagang panga” look. Subukan rin ang bend like Pilita Corales pose para mas mahulma ang iyong figure.

With these tips, #NoFilter needed at garantisadong authentic ang pictures mo! Parang Home Credit lang, no-scam shopping ang pangako nila. If gusto mo ng bagong phone para bidang-bida ang iyong mga kuha, i-Home Credit mo na ‘yan!

Angelica Torres, Writer

 

People photo created by lifeforstock – www.freepik.com

Related Posts

Home Upgrade Now, Pay Later: Find the Best Samsung Appliances at 0% Interest!
Join our TikTok Dance Challenge and win up to 6,000 pesos!
Shop Now, Pay Later Deals Up to 66% Off
Tuloy-Tuloy na Services sa My Home Credit Mobile App this ECQ
See all Finance Articles