Paano Mag-Installment Shopping ng TV

Ilang weeks or months mo na bang pinagiisipang kung GO or NO ang TV na gusto mo na talagang iuwi. Alin sa mga reasons na ‘to ang pumipigil sa pag-unlock mo ng goal na ‘to:
🤔Hindi kaya ang isang bagsakang bayad o full payment
🤔Walang credit card o sagad na ang credit limit
🤔May budget na kasya kung naka-installment o monthly huhulugan
🤔Hindi sure kung ang mga ibang offers ay legit
🤔All of the above
🤔Some of the above

Dito sa Home Credit Marketplace, masasgot at magagawaan ng paraan ang kung ano mang hadlang sa pag-bili mo ng ‘yong pangarap na TV. Ready ka na ba? Eto ang 4 easy steps para sa’yo.

STEP 1: Mag-order ng TV na gusto mo at i-check ang deals o offers na kasama nito. Minsan, may freebies pa ang mga trusted sellers o merchants para mas malayo ang mararating ng budget mo. I-compare ang presyo at i-consider din ang down payment para dito.

STEP 2: Ngayong may napili ka ng TV, siguruhin na pumili ng store na may branch na malapit sa lugar mo. Lahat ng sellers na makaka-transact mo ay may physical store kaya ‘di mo magiging problema ang mga “what if” ng pagsa-shopping ng mga big ticket items na prone ma-damage.

STEP 3: Tapusin at i-complete ang application na kasama ng item na gusto mo. Importante ito dahil magkakaroon ka ng instant pre-approval na magsasabi sa’yo kung GO na GO ba ang pag-bili mo ng TV. Nakaka-save din ito ng oras lalo na kung ayaw mong masyadong mag-hintay sa store.

STEP 4: Mayroon kang 7 days para magpunta sa store at i-test ang TV na gusto mo. Ang maganda sa offer na ‘to ay kung gusto mong palitan ang TV na na-order mo, walang problema. Gusto namin happy ka. Gusto namin sure na sure ka sa quality, sa offer o sale at lalo na sa pag-check kung OK na OK nga ba sa’yo ang item na uubusan mo ng ilang buwan at budget.

Bago pumunta sa store, ‘wag kalimutang magdala ng valid IDs na ginamit mo sa online application. Very important ito kasama ng screenshot ng pre-approval mo. Last but not the least, ihanda ang down payment para tuloy-tuloy na ang transaction. Lumapit sa Home Credit salespersons sa store na napili mo, at sila na ang bahalang mag-assist sa’yo. May mga TV na naka-sale ngayon nationwide for a limited time only. I-check mo kung ‘yung gusto mo ay may offer and/or freebies dito: https://homecredit-marketplace.onelink.me/xKWP/74574d85

Related Posts

0% Summer Budget Finds Na Panalo For Home Upgrade
Home Credit supports PH esports team SIBOL in 31st Southeast Asian Games
Bagong Deals Na Naka-0% Installment Lahat Until May 31 Lang ‘To!
Handyman HC Live: Ano Bang Sulit Hulugan Summer Getaway Finds?
See all Finance Articles