Paano Gamitin Ang Gadgets Para Iwas Anxiety

Mental health is more than wealth lalo sa oras ng new normal.

Sa panahon na basic need na ang mga mobile phone at iba pang gadgets upang masiguradong connected ka sa mundo, paano nga ba magiging kasangga ang gadgets sa pag-iwas sa anxiety?

MAKIPAG-CHAT LANG SA MGA “GOOD VIBES” NA TAO.
I-block ang mga negative people at stories sa iyong social media pati na sa phone mo. I-unfollow o i-mute ang mga “toxic” people sa feed mo.

MAG-SET NG SAKTONG ORAS PARA SA WORK FROM HOME.
Ngayong naka-work from home, may chances na mag-overtime ka lalo o mawalaan ng focus dahil biglaang nagbago ang sistema. Maglaan ng tamang oras para magkaroon pa rin ng work-life balance.

MANOOD AT MAKINIG SA GOOD NEWS AT UMIWAS SA FAKE NEWS.
Knowledge is power pero sa panahon na maraming mapanamantala sa mga manood at mababasa, ugaliing mag-tune in sa credible sources ng information. ‘Wag mabahala agad sa bawat mababasa. Mas mainam na i-check muna kung legit ba ang pinagmulan ng balita.

MAG-EXERCISE GAMIT ANG SMART TV.
I-save ang mga videos sa YouTube na akma sa oras mo at sa kakayanan mong mag-exercise. Alam mo bang ang breathing exercise ay malaki ang naitutulong sa pag-iwas sa anxiety?

I-TRACK ANG SLEEP PATTERNS GAMIT ANG SMARTWATCH.
Good sleep is one good way to maintain a healthy mind and body. Mas klaro ang isip. Mas aliwalas sa pakiramdam. At sabi nga nila, kapag nakakatulog ka ng mahimbing, malamang ay wala ka masyadong iniisip na malalim o seryosong bagay.

MAKIPAGKAMUSTAHAN SA MAHAL MO VIA VIDEO CALL.
Sa panahon ng social distancing, maraming paraan para makipag-bonding sa mahal mo sa buhay. Ugaliing magkaroon ng connection sa kanila. Nakakagaan ng kalooban ang munting kamustahan.

Ilan lamang ito sa mga paraan upang maibsan ang anxiety. Tandaan: Ang gadgets mo ay laging maaaring makatulong sa’yo kung wasto ang paggamit ng mga ito.

Bene Perey, Ambidextrous Ambivert

Related Posts

Life Hacks habang Naka-Work From Home
Five Things to Know When Paying for your Loan
Safe Shopping Tips
Don’t get scammed! Watch out for these 10 online scams in the Philippines
See all Finance Articles