Overheating Laptop? Maiiwasan Nga Ba ‘To?

Bigla bang uminit ang laptop habang nasa gitna ng importanteng deadline o tuloy-tuloy na panood ng series na inaabangan mo? Nakakakaba ‘di ba? Minsan pa nga, nakakainit din ng ulo ‘pag napunta ka sa sitwasayong ito.

Kung gusto mong maiwasan ang hassle na ‘to, keep reading. May mga tips kaming nilista mula sa mga naka-experience o nakaranas mismo nito.

‘Wag na ‘wag mong ipatong ang laptop sa kahit anong soft surface. Kung ikaw ay nasa sofa o nasa kama, maglagay ng laptop stand o gumamit ng portable laptop table. Kahit na ang 30 minutes na pagpapatong sa mga soft surface lalo na kung mainit ang panahon ay #1 kalaban ng laptop.

Ang normal usage ng laptop ay umaabot up to 8 hours daily. Imagine ang hirap ng makina sa loob nito. Tulungan mo ang laptop mo sa pag-check kung may bara o haring ang mga air vents nito.

Isang technique na mula sa mga IT people o ‘yung mga nagaayos ng laptop at iba pang mobile devices sa opisina ay ang pagtatapat ng laptop sa electric fan o pagtutok ng electric fan dito. May certain temperature kasi na ideal para ‘di mag-overheat ang laptop.

Madalas, ‘di mo namamalayan na overcharged na ang laptop lalo na ‘pag umiiwas ka sa low batt lalo na kung nasa lugar ka na madalas may power interruption o biglang nawawalaan ng kuryente.

Pero ugaliin mong i-unplug ang laptop mo kung tapos na itong mag-charge. Ang bloated battery ay isang major cause ng pag-init ng laptop.

Dahil nga wantusawa ang paggamit madalas ng laptop, karaniwang naka-standy by mode lang ito.

Tapos itatago mo na sa bag mo, tama? Sa susunod, i-shut down ang laptop kung ‘di mo ito ginagamit. Parang tao din ang laptop, kailangang ng tamang pahinga para laban ulit sa susunod na araw o gabi ng matinding paggamit para sa trabaho, negosyo o pagaaral.

Sino bang ‘di guilty sa ‘di paglilinis ng laptop? Mag-set ng time para tanggalin o i-deep clean ang laptop. Ang pag-build up ng mga particles sa loob ng laptop ay isa din cause ng blockage na nakakaapekto sa performance ng laptop. Tandaan, ang overheating laptop ay mas may chances na magka-lag o mag-hang ito.

Pumili ng laptop na may reviews from legit customers and users na magsasabi kung subok ba ang quality ng laptop na tinitignan mo.

Kung naghahanap ka ng laptop pero ‘di kaya sa isang bagsakan ang bayaran, mag-shop on installment ka na dito. 2 valid IDs lang ang kailangan at ready to go ka na.

Related Posts

0% Interest Installment From Asianic’s 12 Gadgets of Christmas
0% Interest Budget Phones From MemoXpress!
0% Interest Installment Holi-deals from Robinsons Appliances
0% Interest Pay Day Buy-dol Installment Deals!
See all Finance Articles