OPPO Reno 4: Maganda Ba Talaga?

Gulat ka ba sa back to back release ng OPPO Reno 4 and Reno 3? 💪

Sa highlights pa lang, kita mo na kung ano ba ang ⭐new features ng Reno 4. Again, depende sa budget at hanap mo sa phone ‘yan. Depende na lang din sa’yo if ‘yung difference ng ilang months na agwat ng release ng phone ay nagma-matter din sa pagpili mo. Simulan na natin ang pag-check ng performance ni Reno 4. Game ka na?

📸 Smart Nga Ba Ang AI Camera?

Isa sa mga highlights ng Reno 4 ay ang very artistic pero effortless camera features nito tulad ng AI Color Portrait para sa instant black and white background. Shots from Marie, na very particular sa camera. No need to edit. Pose lang then post na. Mas marami ka pang time mag-isip ng hashtag at caption na rin, yes?

Background Blur Level💯 shot from Liztech naman. Pansin mo ba ‘yung bokeh effect ng ilaw sa background ni Liz? Walang kahirap-hirap. Pati shadows ng lighting kitang-kita.
Sharp kung sharp din yung focus ng Reno 4 camera. Check out this shot from Yugatech. Reno 4 camera is all about details, details, details. Eto ay shot under a bright day, pero hindi pa rin over exposed ‘yung shot.
Lalaban ba sa low light? OPPO fan ka man or simply interested sa camera ng Reno 4, nakakabilib ang low light performance nito. Para sa midrange price, nakaka-excite na makakuha ka ng mga high quality shots kahit medyo challenging ang lighting condition.
Based sa photo ni Mary, soft ang lights sa background at kita ang details ng face, nose at pati bracelet n’ya. No more #SanaAll lalo kapag ‘yung ilaw mo e hindi kagandahan or basic lang.

Mas ni-level up pa ni Liz ang pag-test ng nightscape mode ng Reno 4. Spot the difference between the two photos. Eto ay nagpapatunay na hindi laging kailangan mataas ang megapixels ng camera mo. Minsan, ang totoong laban ay nasa pagiging smart ng camera ng phone mo.

Sobrang Gaan Ba Talaga?

Kahit na may massive battery ang OPPO Reno 4 na abot sa 4015 mAh, napa-wow si Liz at Marie sa gaan ng phone na ‘to. May slight gulat factor din dahil nga, #NoJoke ang pagka-light weight nito.

Kung particular ka naman sa grip, lalo na kapag maliit ang kamay mo or prone ka sa pag-bagsak ng phone mo because medyo clumsy, ang curved design ng Reno 4 ay ma-appreciate mo.

Agree din si Josh from Yugatech sa pagka-eye candy ng galactic glow vibes ng Reno 4. Hindi s’ya O.A. pero standout o pansinin. ‘Yung shade na ‘to rin ay magwo-work sa fashion-loving males and females.

Note: Kung gusto mo ‘yung minimalist lang, meron din silang color palette para ma-achieve mo ang goal na to.

Gaano Ka-Okay Sa Gaming?

Sinubok din ni Liz ang paglalaro sa Reno 4 at na-share n’ya na after 1 hour, 8% lang ‘yung nabawas sa paglalaro ng graphic-heavy game na Asphalt 9. Not bad na rin, ‘di ba? No heating issues plus saktong battery performance –all good to get a good game ka na.

Anti-Spying Para Sure Na Safe Ang Private Info

Kita mo ‘yung sensor na kasama ng front camera? Thanks to that kaya may bonus features ka. First, may Smart Spying Control ‘yung phone mo. Perfect ‘pag may gustong tumingin ng walang paalam sa important and private messages mo. Hindi naman lang ‘to para sa pagtatago pero more like security lalo na sa online banking o mga transactions o trabaho na kailangan mong ng privacy.

Hands Free Phone Experience, Yes?

But wait, there’s more! 🔥 🔥 🔥

Kung dati, napapanood mol ang sa TV ‘yung ‘pag control ng mutants o mga cool na techie ‘yung pag-control sa phone sa pamamagitan ng pag-wave ng hand nila. I-follow lang ang instructions para ma-enjoy ‘to. Pero beyond the cool vibe, seryosong helpful ang Smart Air Control sa mga situations na ‘to:

😍 driving and dapat focus ka sa road
😍 ayaw mong madumihan ‘yung phone mo
😍 na-expose sa madumi ‘yung phone mo at kailangan mo ‘tong gamitin
😍 multi-tasking sa work, school or hobby

So, there! Sana, naka-help ang “back-to-back-to-back” reviews na ‘to nina tech girl Mary, LizTech and ni Josh from Yugatech. Ang tanong: Hello, OPPO Reno 4 ka na ba?

Happy shopping! ❤️ ❤️

Related Posts

Join The Smart E-Loads Gadget Treats today!
#Realtalk: Realme 7 or Realme 7 Pro
Bakit Solid Ang #SamsungSquad?
Shoppers’ Choice: Budget Phones You’ll Love This July 2020
See all Finance Articles