Naghahanap Ng Smart TV? Ito Ang Wais Tips Para Sa’yo!

Parang naka-jackpot 🎁🥇ang buong pamilya ‘pag bagong TV ang usapan, ‘di ba?

Ano nga ba ang mga dapat mong alamin para makabili ng siksik sa features na TV sa sulit na halaga? Pinagsama-sama namin ang mga tanong ng bayan at syempre, nagbigay na rin kami ng sagot at options para mas madalian ka sa pagpili. 😍Tara!😍

LED o LCD? Bakit magkaiba ang presyo nila?

Mas mura man ang LCD TV sa LED TV, lumang release na ang mga ito. Ang LED ay mas advanced at mas matipid din sa konsumo ng kuryente kaya importanteng malaman mo ang mga basic information na ‘to. Kung nasa maliit kang space, maliban sa nipis ng LED TV, hindi mo na kailangang intindihin ang init ng mas lumang models ng TV.

HD, 4K, 5K, 8K? Alin ang naiba?

Nung mga nakalipas na taon, ang HD ay nakakabilib na. Pero dahil nga mas advanced na technology natin, nagkaroon ng 4K at hindi nagtagal, may 5K at 8K na rin. Ano nga bang tama para sa’yo?

Pansinin ang pixel na nakalagay sa parenthesis sa taas. Ang isang tip ay i-check kung anong size ba ng TV ang pasok sa space, budget at sa gusto mo. Ang 1280 x 720 pixel ay uubra na kapag maliit lang ang screen na dream mo. Habang palaki ng palaki ang TV of your dreams, mas mainam na kumuha ng 4K o mas mataas pa.

Isa pang tip para mas makapili kung HD, 4K, 5K o 8K ay sa space din ng paglalagyan mo ng TV. Kung bedspace, apartment o condo na maliit ang space, okay na ‘yung mas maliit.

O ‘di ba? Sulit kung sulit talaga? 👍

Pero syempre, nasa panlasa mo pa rin ‘yan. Iba rin kasi ‘yung feeling ng may 32-inches o mas malaki kang screen. Mas masarap ‘yung feeling ng mas malaki at mas mataas na pixels na TV ‘pag naglalaro ka ng games o kaya naman ay nanonood ng paborito mong Korean drama o pelikulang inaabangan mong maging available online o sa paborito mong channel.

Smart TV nga ba? I-check ang label para sure ka!

Sa dami ng #falsemarketing 🤢 at #scammers 😡 na nagkalat, hindi maiiwasan na makakita ka ng ads o makatanggap ng text message na nagsasabi na may Smart TV kang mabibili sa sobrang babang halaga. Bago ka mag-yes o maging open-minded dito, gamitin ang checklist para maiwasang maloko. Maraming flat TV na madaling pagkamalan na Smart TV.

😊Tandaan!😊 Iwasang manood at makinig sa mga hindi trusted sources ng appliances na investment mo tulad ng TV. Mas maganda na kilala mo ang supplier at may legit na store o app para hindi sayang ang pinaghirapan mo sa ‘pag bili ng mga appliances/gadgets tulad nito.

TRUE OR FALSE: Puwede bang ma-hack ang Smart TV?

Sabi nga, with great power comes great responsibility. At sa usapang Smart TV, ang great power na ‘to ay convenience ng pag-access ng lahat ng kailangan mo –games, apps, Facebook, YouTube at marami pang iba.

Dahil may connection sa internet at sa mga apps ang Smart TV, may chance na ma-hack ang TV mo kapag hindi mo alam kung paano ito ingatan. Para rin itong chances ng pag-hack sa cellphone mo o sa Facebook account mo.

Maiiwasan ang problema dala ng mga hackers sa tulong ng mga tips na’to.

Ang mga tips o steps na ‘to ay parang pagiingat din sa tablet, laptop, desktop o cellphone mo. Sa lahat ng device na kailangan mong mag-sign in o malagay ng personal information, doble ingat ka dapat. Sa panahon na mas marami ng online payments at pagnanakaw ng pangalan at pictures mo, maging mas handa at mas maalam.

Maraming may-ari ng TV ang nakakalimutan o sinasadyang lampasan ang upgrades ng software. ‘Yung iba tamad. ‘Yung iba naman pakiramdam nila ay sayang ito sa oras. ‘Yung iba naman, iniisip na wala namang masyadong halaga ang software upgrade.

Smart TV = Smart Owner. Alagaan mo ang appliance mo, at siguradong magiging masaya ang experience mo kasama nila at syempre, ang mga mahal mo sa buhay.

#FalseNews! Hindi swak sa budget mo ang Smart TV.

Dahil din sa advanced technology at dami ng brands na available para sa iba-ibang budget at specs para sa Smart TV, hindi mo na kailangang mag #SanaAll na naman.

😍 😍Shop Now, Pay 0% Installment 😍😍 ang lahat ng Smart TV sa Marketplace soon. Abangan!

Related Posts

Sali na sa Loan in a Million Raffle Promo
Say Hello Sa Mas Mahimbing Na Tulog
New Year, New Self, Anong Kapalaran mo?
Tips How to Capture IG Worthy Photos
See all Finance Articles