May Laban Ba Talaga Ang Phone Mo Sa Ulan At Tubig?

Pumapatak na naman ang ulan sa labas at minsan din sa loob ng bahay. ☹ 💦☂️

Sa mga panahong ito, kailangang kasangga mo ang cellphone na hindi lang pang-gaming o pang-selfie. Dapat ay ‘yung palaban din sa biglang buhos ng ulan. Kung medyo malakas pa nga, aabutin ka pa ng baha. Kaysa kabahan ka pa, heto ang #NoToFakeNews facts tungkol sa water-resistant at waterproof phones.

Anong Gagawin ‘Pag Nalublob Ang Phone?

Kapag naman nalublob ang iyong phone sa tubig na may chemical tulad ng swimming pool, sa dagat o sa toilet bowl na may halong Zonrox o Domex, mas kailangan mong mag-ingat. Gawain ang sumusunod na steps na ‘to.

🔻 Step 1: Patayin ang phone.
🔻 Step 2: Tanggalin lahat ng accessories nito.
🔻 Step 3: Punasan ang phone para matuyo ang labas nito.
🔻 Step 4: Maingat na itaktak ang mga headphone jack at charger port.
🔻 Step 5: Ilagay ang cellphone ng nakatayo sa isang supot o lagayan na may bigas.
🔻 Step 6: Siguraduhing walang insekto ang bigas na ginamit.
🔻 Step 7: Maghintay ng 2 o 3 araw bago i-check ang phone.

⚠️True Story⚠️ Noong 2018, nalublob ang phone kong waterproof sa Siargao. Natakot akong ma-damage ng salt water ang nagiisa kong gamit. Mababait ang mga tour guide ko at sila ang nagturo sa akin ng steps na ‘to. Nahirapan akong hindi i-check ang phone ko ng 2 days pero nakinig ako. Hanggang ngayon, gumagana pa rin ang phone ko! 😊😊😊 Kaya subok na subok ‘to!

Magkaiba ang water-resistant at waterproof. ‘Wag malito!

Tandaan: Ang water-resistant phones ay puwede mong isabak sa patak o splash ng tubig, ulan at pawis. Kasama sa design ng maraming phones ngayon ang feature na ito. I-check lang ang specs ng phone na gusto mong bilhin para malaman mo.

Ang waterproof phones naman ay may puwede mong ilaban sa mga aksidente tulad ng paglaglag ng phone sa:

✅ Tubig ulan
✅ Lababo na may binabanlawang plato
✅ Batya o balde na may nakakababad na damit
✅ Tubig mula sa ilog o sapa (freshwater)

Lahat ng ito ay hindi mataas ang chemical content ng tubig pero kailangan mo pa ring sundin ang steps sa taas para sigurado.

Ang IP rating ang magsasabi sa’yo ng totoong estado ng phone mo.

Upang masigurado ang lagay ng phone mo, i-check mo rin ang IP rating nito. Nag-design ang mga eksperto mula sa International Electrotechnical Commission para malaman ang kung effective ba talaga ang waterproofing ng phone mula sa:

☑️ tubig (water)
☑️ alikabok (dust)
☑️ dumi (dirt)
☑️ buhangin (sand)

Malimit ding isang feature na kasama ng water-resistance ay ‘yung dust-resistant. Malaking tulong ito para sa mga nagtatrabaho sa mga kalsada o lugar na maraming alikabok. Ang dust ay isa rin sa nakaka-damage o nakakasira ng phone mo ng hindi mo namamalayan.

Ang pinaka madalas mong makikita ay ang ratings na: IP67 and IP68.

Ano ang ibig sabihin nito? 10 ang highest rating sa IP. Ang unang number ay para sa resistance sa dumi/alikabok at ang panglawang number naman ay para sa tubig. Syempre, ‘pag mas mataas ang IP rating, mas premium ang phone at kasabay na rin nito ang pagtaas ng presyo.

May hangganan o limit ang laban ng waterproof phones.

Walang bisa ang waterproof phones sa damage na dulot ng: softdrinks, juice, gatas, sarsa, sabaw at iba pang uri ng pagkain. Bakit? Iba syempre ang component ng mga liquid na ‘to sa tubig. Kaya mag-ingat ng mabuti sa mga ganitong aksidente. Isa ‘tong seryosong babala.

Anong phone ang magiging kasangga mo sa biglaang pag-ulan?

Maraming water-resistant models na new release at mga older models din. Dahil investment na talaga ang matibay ng phone, sulitin mo ang pagbili mo.

Kung naghahanap ka ng mga ganitong phones pero mas gusto ng installment nan aka 0% interest pa, i-check mo na ang mga options na ‘to.

Related Posts

Sali na sa Loan in a Million Raffle Promo
Say Hello Sa Mas Mahimbing Na Tulog
New Year, New Self, Anong Kapalaran mo?
Tips How to Capture IG Worthy Photos
See all Finance Articles