iPhone 12: Anong Bago? Maganda Ba?

And just like that, nasa iPhone 12 na po tayo! Konting flashback lang para sa mga nakaraang iPhone na may laban pa rin. To be honest, kahit ‘yung 4S at iPhone 5, may mga gumagamit pa rin. Pero, syempre, kailangang mag-move on. Paparating na ang iPhone 12 very soon.

Kung naghahanap ka ng reasons para bumili o mag-pass muna sa iPhone 12, eto ang compilation ng mga information at rumors na rin tungkol sa cellphone na ‘to.

Sabi nila, ang 5G phones ang phone of the future at hindi naman na nagpahuli ang iPhone 12 dito. Siguro, ito ang pinaka BIG LEAP ng iPhone 12 compared sa mga older models. Ang 5G ay mas mabilis sa 4G pero malaking debate pa rin sa “bilis” nito pero, tiwala lang tayo.

Para sa mga may iPhone, walang bias na mapapatunayan na hindi gaanong problema ang pag-lag o pagha-hang. Kung akala mo mabilis na at solid ang A13 ng mga old iPhone models, wait ka lang!

Ang hottest news ng iPhone 12 ay tinapatan nito ang napakamahal at top of the line Macbook Pro dahil sa A14 processor nito. Perfect ito para sa mga:

🤗gamers na nago-online stream
🤗gamers na maraming games na nilalaro sa phone
🤗nage-edit ng video gamit ang phone
🤗nagta-trabaho gamit ang phone gamit ang mabibigat na files
🤗ayaw mag-delete ng mga maraming files
🤗natural na sentimental kaya maraming photos and videos at music

Kung medyo techie ka, mage-gets mo ‘yung Geekbench score na ‘to. Kung ‘di ka naman techie, imagine mo na lang na ‘yung bilis ng iPhone 11 ay times two pa. Sulit na sulit lalo na kung matagal ka ng naghintay na magkaroon ng bagong phone.

LED is good. Masarap sa mata. Buhay na buhay ang kulay. But OLED is way better. Mas buhay. Mas masarap. Mas nakaka-happy gamitin. Isa pa itong aabangan sa iPhone 12. Alam naman natin na ang screen display ay mahalagang factor sa pagpili ng cellphone, kaya #alamnathis.

Maliban sa ganda ng display, heto pa ang benefits ng OLED screen:

🎯mas matipid sa battery
🎯consistent ang itsura sa lahat ng viewing angles
🎯mas malinaw kaysa sa LED ‘pag madilim

Kung screen size ang usapan, may options ka na depende sa budget mo. Maliban sa budget, may mga tao rin na gusto ng mas malaking screen. Minsa ‘Yung iba naman, mas comfortable sa maliit na screen dahil madaling ilagay sa bulsa at mas madali ring hawakan.

Isa sa hot topic ay kung ilan ang main camera set up ng iPhone 12. Ang camera kasi ay isa sa nagdiditkta ng presyo. Napatunayan na rin naman na ang dami ng camera ay hindi ibig sabihin na mas maganda ito.

Ang totoong test ng camera ay nasa quality ng photos at videos na kinukuha nito kaya ‘wag kang papadala sa number. Sabi nga nila, quality over quantity tayo anytime.

Isa na namang debate sa build ng bagong iPhone ay kung aluminum ba ‘to o stainless steel. Para bang statement ng Apple ‘to na, tapos na kami sa glass, lalo naman ang plastic. Kaya, move on na tayo. Dun tayo sa mas matibay, mas matatag.

Ang angat ng aluminum ay mas magaan. Ang angat naman ng stainless steel ay mas matibay. Pero kahit ano pa ‘yan, parehong #mutantphone ang iPhone 12 kung tama ang prediction na ‘to.

At andito na tayo sa pinakahihintay ng lahat… ang presyo! Sabi ng mga eksperto, mas ginagawaan ng paraan ng Apple na magkaroon ng mas murang phone para mas marami rin ang maka-experience ng iPhone.

Kung totoo ang rumor na ‘to, masasabi na rin nating ‘di gaanong kamahal o mas kaya ng budget ang iPhone 12. Hindi man sing-mura ng iPhone SE 2020, isipin mo na lang yung 5G, aluminum o stainless steel body, tapos ang pinaka panalo sa lahat, ‘yung A14 processor na tatapatan ang galing ng Macbook Pro na 15 inches!

But wait, may pahabol! Syempre, the more colors the merrier ang trend ng mga phones pati na rin ang iPhone. Ang balita ay mas maraming kulay na pagpipilian kaya mas mas nakaka-excite lalo ang pag-dating nito!

Ready ka na bang maging #TeamApple #TeamiPhone12?

Related Posts

Join The Smart E-Loads Gadget Treats today!
#Realtalk: Realme 7 or Realme 7 Pro
Bakit Solid Ang #SamsungSquad?
Shoppers’ Choice: Budget Phones You’ll Love This July 2020
See all Finance Articles