How To Build A Budget Hybrid Learning Space

Back to school na naman pero ngayon, essential na ang pagkakaroon ng hybrid learning space para makasabay ang mga students sa classroom man o sa bahay. ‘Di biro ang pagbuo nito kaya heto ang mga tips na puwede mong i-check out.

Ang hybrid learning space ay mahalaga sa pag-enhance ng focus at delivery ng mga students lalo na sa panahon na in demand na ang online learning. Dahil dito, naging must-have na ang mobile devices at mga acessories na kasama nito. Paano nga ba makakapag-set up ng hybrid learning ‘pag ‘di kalakihan ang budget?


Simulan sa pag-set ng budget bago maghanap ng kahit anong hybrid learning space item. Mas madali kapag ito muna ang inuna. Kung ‘di mo kaya ng isang bagsakan ang bayaran o full payment, i-consider ang installment shopping. ‘Di masyadong malaki ang down payment at madi-divide mo rin ito based sa buwanang bayaran na kaya mo.

Maghanap ng space sa bahay na pinaka tahimik at malayo sa distraction. ‘Pag dating sa online lessons, malimit na challenge ay pag-cancel ng noise lalo ‘pag may recitation or presentation na basehan ng grade at participation ng students. Kung may space na malayo sa pinto o spot na puwedeng ma-solo ng students na nasa bahay, mas maganda din ito.


Mag-invest sa maayos na chair, table at lights –mga essentials ng room for learning at home. ‘Di ito nagiging masyadong priority pero nakakaapekto ito ng posture at eyesight na mahalaga sa pagaaral. ‘Wag itong i-overlook dahil may specific study table at chair para dito. Tandaan, health din ang nakasalalay dito lalo na sa growing kids.

Syempre, andito na tayo sa “exciting part” na ‘di biro ‘pag dating sa budget. Sa sobrang dami ng options for laptop, tablet at phone, maghanap ng gadgets o mobile devices na puwede mong i-monitor. May mga features na puwede mong i-set o i-synch sa’yong devices. Isa itong level up sa parenting para matutukan mo ang galaw ng mga students na may ready access sa iba’t ibang content.


Mag-provide ng space para madaling i-organize lahat ng school-related things ng students. Sa panahong may classroom at may online activities, malaki ang chance na may mga gamit na maiwan o ma-misplace. I-label din ang shelf at space para mas madaling i-track lalo na kapag maraming students na gumagamit ng hybrid learning space.

Related Posts

0% Interest Installment From Asianic’s 12 Gadgets of Christmas
0% Interest Budget Phones From MemoXpress!
0% Interest Installment Holi-deals from Robinsons Appliances
0% Interest Pay Day Buy-dol Installment Deals!
See all Finance Articles