Home Credit supports the Bayanihan to Recover as One Act

Kaisa ang Home Credit ng ating pamahalaan sa pagsuporta at pag-implement ng Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2 or BARO).

Ano ang BARO?

Ang BARO ay nagbibigay ng option sa eligible customers na mag-avail ng one-time 60-day grace period para sa mga loan at credit card payments na may due dates mula Sept. 15 hanggang Dec. 31, 2020.

Which types of financial institutions are covered by BARO?

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, lahat ng mga bangko, quasi-banks, credit card issuers at iba pang mga BSP-Supervised Financial institutions na may lending operations ay kinakailangang sumunod sa BARO.  Isa si Home Credit sa mga institusyon na ito.

Sino ang eligible na mag-avail ng 60-day grace period?

Eligible ang mga Home Credit customers na:

  • may loans at credit card accounts na current ang status at hindi overdue as of Sept. 15, 2020
  • may installments na due mula Sept. 15, 2020 hanggang Dec. 31, 2020
  • may credit card purchases before Sept. 15, 2020

Ano ang options ko bilang customer?

Option 1: Maaaring magpatuloy sa pagbabayad ayon sa original installment schedule o due dates.

  • Walang accrued interest na madadagdag sa account
  • Para sa credit card customers, patuloy mong magagamit ang iyong card

Option 2: Para sa eligible customers, maaaring mag-avail ng one-time 60-day grace period.

  • Maaari ninyong i-skip ang payments ng 60-days o dalawang buwan.
  • Mauurong ang loan term ng installment at maeextend ito ng dalawang buwan.

NGUNIT TANDAAN,

  • Magkakaroon ng accrued interest para sa inavail na grace period.
  • Para sa credit card customers, hindi magagamit ang card during the grace period.

Paano ko i-aavail ang 60-day grace period?

Nagpadala kami ng email sa lahat ng eligible customers.  Please check your registered email to understand your options.  Maaari ring tumawag sa (02)77535712.

Anong mangyayari sa auto-debit arrangement ko?

Sa mga may auto-debit arrangement, nais naming siguraduhing convenient ang iyong pagbabayad kaya naman ipagpapatuloy naming ang pagde-debit sa iyong bank account para sa payments sa iyong scheduled debit dates.

Para sa eligible customers, kung nais mong pansamantalang itigil ang iyong auto-debit arrangement, tumawag lamang sa (02)77535712 bago ang scheduled debit dates.

Para sa karagdagang impormasyon, maaari ring mabasa ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng BARO mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas dito.

Related Posts

Home Upgrade Now, Pay Later: Find the Best Samsung Appliances at 0% Interest!
Join our TikTok Dance Challenge and win up to 6,000 pesos!
Shop Now, Pay Later Deals Up to 66% Off
Tuloy-Tuloy na Services sa My Home Credit Mobile App this ECQ
See all Finance Articles