Gawing Mas Ligtas Ang Bahay

Sa panahon ngayon, importanteng panatilihing ligtas ang bahay mo. Magkaroon ng peace of mind na makatulog na mas mahimbing sa tulong ng madaling tips na ‘to.

ONE: Ang smart doorbell ay parang alarm mo lalo na kung nasa lugar ka na maraming dumaraan na hindi mo gaanong kilala.

TWO: Ang pagkakabit ng CCTV ay madaling paraan para mas ma-monitor mo ang bahay kahit saan, kahit kailan. Ang mga footage din na mula sa CCTV ay maaari mong gamiting ebidensiya kung kinakailangan mag-report sa barangay o sa pulisya ng mga mapanamantala.

THREE: Maging alert at makinig sa tamang balita gamit ang alarm clock na may built-in radio. Mawalaan man ng internet o mobile data, siguradong may access ka pa rin sa updates lalo na kung may emergency situation na padalas na ng padalas ngayon.

FOUR: Mag-install ng home security apps sa phone mo. I-synch ang CCTV set up at i-save ang lahat ng emergency number para handa ka kung sakaling kailangin ito.

FIVE: Napaka importante ng data privacy. Ugaliing mag-back up ng data mo sa isang hard drive na kaya mong bitbitin kahit saan. Itago ito sa ligtas na lugar na madali mong maa-acess ‘pag kailangan.

Bene Perey, Content Creator

Background photo created by whatwolf – www.freepik.com

Related Posts

Safe Shopping Tips
Don’t get scammed! Watch out for these 10 online scams in the Philippines
Long-term Effects of Pampering Yourself
How To Protect My Card Information And Secure my HC Loan
See all Finance Articles