12 #TipidKuryente Tips Para Iwas-Init Ulo Sa Bill

Hassle talaga ‘pag nakikita mo ang bill sa kuryente lalo ‘pag summer. Yes or yes? Kung gusto mong makatipid pero ‘di mo na alam ang gagawain, eto ang 12 tips para sa’yo at sa mga tao sa bahay mo.

Isang known fact na ‘pag summer, mas mataas ang konsumo ng kuryente lalo na ‘pag matinde ang init. Isama mo na diyan ang mas malakas na aircon, electric fan at bukas-sara ng refrigerator.

Para sa #TeamAircon, mag-set ng schedule ng consistent cleaning ng inyong air filter. ‘Wag katamaran o i-skip ito dahil ang aircon ay may hangganan din. Kung maalikabok o may pets kayo sa loob ng bahay, mas madaling mag-build up ang dumi na nakaka-block ng air circulation nito. Weekly ang ideal time para ipagpag at hugasan ang aircon filter. Mag-check sa YouTube ng tamang paglilinis nito.

‘Pag #TeamElectricFan ka naman, mas magandang twice a week ang linasan portion. Tulad ng aircon, ‘pag nagkakaroon ng dumi ito, mas mahina ang power. Ang tendency ay pag-lipat nito sa mas malakas na setting. Pansin mo bang ‘pag summer, kahit nakatodo na ang electric fan, mainit pa rin ang buga? Try this tip and see the difference!

Masarap ang feeling ng pagva-vacuum pero kung kaya mong iwasang araw-arawin ito, better. Mag-walis at maglampaso. Naka-exercise ka pa. Ang vacuum ay may malakas na konsumo dahil nakadepende ang performance nito sa lakas ng makina. Kung ikaw ay laging naka-max mode, mas madali rin itong ma-low batt kaya, i-consider mo ito. Gamitin din ang vacuum sa mga hard-to-reach spaces tulad ng bintana, ceiling at ilalim ng kama at iba pang sulok ng bahay.

Alam mo bang may konsumo pa rin ang mga appliances na naka-off man e naka-plug pa rin? Imagine, kung meron kang 10 appliances na naka-plug, parang ang dami bigla ‘di ba? Pero eto ay common na ginagawa sa mga bahay-bahay. Mas ligtas din ang pag-unplug ng appliances at iba pang devices dahil iwas-sunog din ito. Nakatipid ka na, naging safer pa ang iyong space at lalo na ang mga mahal mo sa buhay na kasama mo.

Ang pag-timing ng labada ay medyo tricky lalo na kung iba-ibang shift o oras sa trabaho pero kung inverter ang gamit mong washing machine, mas maximized ito kung mas mahaba ang paggamit. Kung kayang weekly ang laba, mas efficient ito.

Para sa maraming ilaw sa bahay, i-check kung naka-LED lights lahat ng ilaw mo. Medyo mas mahal ang LED light, totoo naman, pero in the long run, mas makakamura ka dahil napakababa ng consumption nito. Kung gusto mong i-keep ang design ng bahay mo, maraming options ang LED para sa’yo.

Kung kaya, maghanap ng paraan para maging mas maganda ang air circulation ng bahay. ‘Pag mas may hangin na pumapasok sa iyong lugar, mas mahina ang lahat ng cooling appliances mo, ‘di lang ng aircon o electric fan, pati na rin ng refrigerator mo.

Balik tayo sa usapang aircon. Ang pag-set ng timer para practical ang consumption pero ‘di ka pa rin nanglalagkit o pawisan ay isang proven hack. Puwede mo ring lagyan ng timer ang electric fan para mas mahaba ang pagpapanatili ng cool air sa kwarto mo.

Sa bahay na maraming tao na init na init, sa ref kumakapit. Malamig na tubig, ice candy, ice cream –ang mga pamatid uhaw at bawas-init na ‘to ay mas in demand ‘pag summer. Ang bawat bukas-sara sa ref ay nagsi-signal sa motor nito na mag-doble kayod din kaya siguradong tataas ang konsumo.

Mag-lagay ng cold water with ice sa insulated water bottles. O pag may juice, ice cream o softdrinks na iinumin agad, puwedeng ilagay ice box na sealed. Imagine ang matitipid mo sa at least 3 hours na bukas-sara ng ref.

Tulad ng labada, i-timing ang plantsa. ‘Wag na ring plantsahin ang mga pambahay para makabawas na sa tambak na damit, makabawas din sa electric bill.

Kung mainit naman ang panahon, i-skip ang dryer o spinner at ibilad sa araw ang sinampay. ‘Pag tirik ang araw, malaki ang chance na tuyo agad ang labada mo.

Lastly, mag-invest sa mga appliances na may track record ‘pag dating sa usapang ENERGY SAVERS.

Related Posts

0% Summer Budget Finds Na Panalo For Home Upgrade
Home Credit supports PH esports team SIBOL in 31st Southeast Asian Games
Bagong Deals Na Naka-0% Installment Lahat Until May 31 Lang ‘To!
Handyman HC Live: Ano Bang Sulit Hulugan Summer Getaway Finds?
See all Finance Articles