Patung-patong Ang Utang? 5 Proven Tips Para Maitawid Mo ‘Yan!

Ang utang ‘pag nagsabay-sabay, masakit sa ulo. Minsan ‘di makatulog. ‘Di makakain. Paano nga ba maiiwasan ang ganitong hassle? Eto ang 5 proven tips na puwede mong subukan.

‘Wag kang papadala sa mga offers na wala sa plano o ‘yung biglaang ang pag-oo. Mahirap ‘yan lalo ‘pag ‘di mo sigurado ang dating ng pera o budget. Mag-isip muna bago pumirma sa kahit anong ibigay sa’yo. Mas OK na mag-check muna kung kaya mo ba o hinay muna.

Isang magandang disiplina sa bawat utang mo e mag-tabi ka ng kahit 100 pesos para matutunan mong mag-save. ‘Di man ito madali, ‘pag nasanay ka, tiyak na ‘yung 100 pesos mo, may kakaputuhan ‘yan lalo ‘pag gipit ka.

Iwasan mong pagsabay-sabayin ang utang. Mas maganda ay isang utang muna tapos bayaran mo muna. Mas nakakastress din ‘pag palapit na ang due date kasi ‘di lang naman utang ang babayaran mo. Marami pang bills na dapat itawid. At ang matitira doon ay ang ipapambayad mo sa utang mo.

Speaking of pagbabayad ng utang, ‘pag natatawid mo na ang pagbabayad on time, mas maayos ang galaw mo. Tamang pag-check ng pasok at labas ng pera talaga ang susi dito.

‘Wag ka na rin papa-pressure sa pagtulong kung wala talaga ito sa kapasidad mo. Minsan, kailangan mong matutong magsabi ng NO kahit pa kakilala mo ang lumalapit sa’yo. Ilang beses na bang may mga utang na nakaapekto sa budget mo? Tumulong ka kung may sapat ka ng budget. Darating din ang tamang panahon. Sa ngayon, isalba mo muna ang sarili mo.

Kung kailangan mo ng cash loan at alam mong kaya mo itong itawid sa tamang oras, andito kami para itawid ka! Aasenso ka rin. Tandaan: Ang utang ‘di masama kung alam mo itong kaibiganin. Kapit lang. Tuloy lang ang trabaho at tiwala!

sdasd

Related Posts

0% Interest Installment From Asianic’s 12 Gadgets of Christmas
0% Interest Budget Phones From MemoXpress!
0% Interest Installment Holi-deals from Robinsons Appliances
0% Interest Pay Day Buy-dol Installment Deals!
See all Finance Articles