Bakit Nga Ba Panalo Ang iPhone at Apple? Iwas Virus Ba Talaga?

iPhone, iPad, Air pods at Macbook? Sarap pangarapin pero ‘di birong makuha dahil may kamahalan ang isang bagsakang bayad. Totoong-totoo, pero bakit nga ba worth it na investment ito?

Maliban sa magandang design at mataas na resell value, solid ang security ng Apple products o devices. Kahit ‘di new releases, customers na naging fans mismo ang nagsasabing ‘di nagiging hassle ang pag-worry sa pagkakaroon ng virus ang mga items basta tatak Apple. Ano nga ba ang technology na bitbit ng bawat devices galing sa #TeamiPhone at iba pa? Alamin!

‘Di mo magiging problema ang pag-download ng mga apps dahil chine-check ng mismong iOs developers ng Apple ang bawat app na nasa app store nila.

But wait, there’s more! Matapos i-check ang health and safety ng bawat app, nilalagyan pa ito ng additional layer of security para sure na sure bago ipasa sa app store.

‘Di gaanong mabilis mag-release o mag-labas ng bagong devices ang Apple in general, kaya careful o maingat ang pag-design ng bawat product.

Sa usapang Apple, ‘di gaanong issue kung older models ang kaya mo. Syempre, sino ba namang ayaw ng latest ‘di ba? Pero ‘yun nga. Inisip ng Apple na ‘di naman lahat kayang mag-labas ng malaking budget, kaya naghahanap din sila ng paraan para maging reachable sa mas masang consumer gaya ko at baka gaya mo rin.

And last but not the least, ‘di tumitigil ang gigil ng #TeamApple sa pag-update ng lahat ng devices. ‘Di ito biro, pero para mas maganda ang experience ng customers, kasama ito palagi sa serbisyong hatid nila.

Related Posts

0% Summer Budget Finds Na Panalo For Home Upgrade
Home Credit supports PH esports team SIBOL in 31st Southeast Asian Games
Bagong Deals Na Naka-0% Installment Lahat Until May 31 Lang ‘To!
Handyman HC Live: Ano Bang Sulit Hulugan Summer Getaway Finds?
See all Finance Articles