Ang Totoong Benefits Ng Cash Loan

Usapang credit o utang ang hot topic lalo sa panahong pataas ng pataas ‘di lang gas, pati mga bills at bilihin. Kung nag-iisip ka kung laban o bawi ang next o first utang journey mo, basahin ng magkaroon ka ng tamang kaalaman tungkol dito.

Nag-interview kami ng mga tao na naghahanap ng extra cash o iniisip kumuha ng cash loan. Syempre, importanteng factor ang pagiging honest lalo na kung ‘di mo pa masyadong alam ang galawan nito. Based sa mga sagot, ang utang ay mula sa essentials tulad ng bills at tuition o gastos sa school. Dahil nagkaroon din ng maraming challenges sa health ang mga tao ng nakalipas na taon, naging isang source din ang medical expenses o gamot para makatawid. Ang pagi-invest naman sa phone, laptop o gadget ay dala rin ng work from home na naging parte na rin ng pagta-trabaho o negosyo lalo na’t uso ang online selling ngayon.


May benefits o advantage o kagandahan ba ang utang o credit? Yes kung gagamitin mo ito at ima-manage ng tama. Ang mga responsableng tao na aming tinanong ay naging panawid ang utang para sa kanilang ‘di maiiwasang emergency expenses tulad ng:
👍Sirang home appliance na kailangang palitang tulad ng washing machine
👍Laptop na biglaang requirement para sa work o school
👍Medical emergencies para sa pamilya o mahal sa buhay
Kung gagamitin din sa tamang paraan ang utang, mas nagiging maayos ang cash flow o budget lalo na kung maliit ang kita o may mga biglaang bayarin na ‘di mo naisama sa plano mo.

Lagi mo ding tandaan na ‘di masama ang utang kung alam mo ang limit at ang kakayanan mong bayaran ito sa tamang oras. Sa bawat tamang oras ng pagbabayad, nasisigurado mong ‘di problema ang interest na natural na parte ng mundong ito. Magtabi ng budget para sure na sure kang wala kang mami-miss na due date. Mag-tipid at matutong mag-ipon din lalo kung alam mong may dapat ka pang bayaran maliban sa bills, groceries at renta sa bahay kung umuupa ka.

Sa usapang malaking tubo o interest na budol, eto rin ang totoo. Kaya lumalaki o tumataas ang interest ay dahil sa ‘di pagbabayad on or before due date. Nakalagay ito sa kasulatan o kontrata na pinirmahan mo. ‘Di ito pasakit. Ito ay nakasaad sa kasunduan. Kung naiipit ka sa due date, itanong sa sarili kung dapat mo bang iayos ang budgeting skills mo. Kaya mo ‘yan kung ang plano mo ay maayos at sinusunod mo rin. Sa umpisa, medyo mahirap ‘to dahil nakakapanibago.

Isipin mo rin ang ginhawa na binigay sa’yo ng bawat utang o credit mo. Kung ang mindset mo ay utang para makatawid sa buwanang kakulangan sa budget, good credit ‘yan. Kung para sa pamilya at mahal mo sa buhay at sa kanilang kinabukasan, OK ‘yan. Tiyaga lang talaga at tiwala na giginhawa ka rin. Kapit lang. At focus lang sa pag-kayod para sa asensong naghihintay sa’yo. Darating din ‘yan. Abangan mo lang.

Related Posts

0% Interest On Samsung Phones Up To 24 Months To Pay
Pay Day Installment Shopping Deals On 0% Interest From Home Credit
10.10 Home Credit Installment Sale! LIMITED OFFER!!!
Get Home Credit’s Big-9 Bigtime Anniver-SAYA Deals! 0% Interest Installment Deals
See all Finance Articles