Maganda Bang Subukan Ang Online O Digital Payment? Eto Ang 12 Reasons Why!

Ano ang pulso mo sa digital payment o online payment? ‘Di ka pa rin ba solb o nag-iisip ka kung OK ba ‘to? Dapat mo nga bang subukan ito? May benefits o magandang dulot nga ba ‘to? Alamin para mas maging informed ka dito.

Nagtanong kami ng users ng digital o online payments gamit ang Home Credit app. Nag-share sila ng kanilang opinyon tungkol sa usaping pagbabayad ng bills at iba pa gamit ang app o kung ano mang online channel. Narito ang kanilang feedback.


‘Pag pera ang usapan, ang takot na ma-scam ay isa sa pinakamalaking issue sa mga natanungan namin. Kung gumagamit ka ng secured apps, ang chances na ma-scam ka ay mas maliit. Para sa naka-budget, ‘di talaga birong ma-stress sa scammers. ‘Pag secured ang apps at legit ang kompanya, sure ‘yan na walang habulan! 😉
Ilang beses ka na bang nainip at nawindang sa napaka habang pila ng ? Isama mo na rin diyan ang pilang walang hanggan sa pagbabayad at pagta-transact over the counter.  Sobrang hassle lalo na kung kinsenas o katapusan. Stress din ‘pag may emergency. Kung nasa app mo ang budget o pera mo, ‘di mo na magiging trigger button ito.

Ang isang practical application ng online payment ay mas sigurado na iwas-nakaw ito dahil ‘di kita ng mga kawatan o masamang-loob ang perang hawak mo. Mas ligtas ka dahil ‘di ka mainit san  mata . Kung mawala man ang cellphone mo, mas malaki ang chance na mabawi mo ang halagang nakuha sa’yo.

Isang magandang sharing ng mga nag-try at OK na gumamit ng online payment ay nagkakaroon sila ng rebates depende sa availability ng promo o deal. Ang rebates ay ang perang nakukuha mo pabalik sa digital wallet mo sa mo. Example: Sa halagang P500, puwede kang magkaroon ng pang-load o pandagdag sa gastos sa araw-araw. Can be classified as tipid tip na rin, ‘di ba?


Isang common na galawan ang pagbabiyahe ng malayo. Puwedeng barko, bus, motor o kotse. Minsan nga, bike din pasok na dahil sa sobrang pagpalo ng presyo ng gas. Kung ang ginagawa mo ay binabalot at tinatago sa bagahe o bag ang malaking pera, i-online mo na ‘yan.

Ang cashless payment at QR payments (o scan to pay) ay patok din para ‘di mo na kailangang hawakan, bilangin at itago ang actual cash na pambayad mo. I-add mo pa diyan na ‘di na rin problema ang suklian na minsan nakaka-stress din, correct?  Sobrang laking tulong ito sa lalo na sa ospital o health bills. Magandang maging handa. Magandang mag-maintan ng safe distance para ‘di ka rin kabado sa health mo at ganun din ng pamilya mo.

Sa online transfer ng padala, kahit saan, kahit kalian, maasahan mo ito. ‘Di na kailangang pumunta sa remittance center na malimit ay matinde rin ang pila at waiting time. Ilang beses ka na bang na-stress dahil down ang system o brownout sa padala outlet? Tanggalin na ang hassle na ‘to gamit ang online payment.

Kanina, ang usapan, mahabang pila sa ATM. Ilevel up pa natin ang usapan sa isa pang problemang ‘di maiiwasan sa cash withdrawal… ang mga sirang ATM. Taas-kamay sa mga naka-experience na nito! Sa digital payment, WiFi lang o data, OK ka na.

Dahil nakikita mo ang flow o daloy ng pera papasok at palabas via online tracking sa app, mas alam mo kung saan nga ba napupunta ang budget mo.
Ang budget planning ay mas abot-kamay mo na rin kung may online payment monitoring. Syempre, dahil ‘di naman laging sobra ang budget kaya wais spending is key.

May chance kang mas maging disiplinado sa paglalabas ng pera ‘pag nakikita mo ang bawat piso na nilalabas mo at natitira, tama? May kakaibang epekto ang pag-check ng balance online. Aminin nating lahat ‘yan.

At ang pinaka mahalaga sa lahat, wais spending means a step r to more chances of savings. 😊 ‘Di madali. Maraming effort, pero kung makakapag-tabi ka ng kahit magkanong halaga sa bawat kinsenas at katapusan, pusuan mo ‘yan!

Game ka na bang i-try ang HC Pay, ang online payment option ng Home Credit app? Tara na.

Related Posts

0% Interest On Samsung Phones Up To 24 Months To Pay
Pay Day Installment Shopping Deals On 0% Interest From Home Credit
10.10 Home Credit Installment Sale! LIMITED OFFER!!!
Get Home Credit’s Big-9 Bigtime Anniver-SAYA Deals! 0% Interest Installment Deals
See all Finance Articles