Anong Phone Brand ang Perfect for you?

‘Pag dating sa #phonebrands, ang 💪#brandwars at 😍 #brandlove ay laging hot topic. Kung naghahanap ka bagong phone pero nalilito sa dami ng trusted at mga winner na new brands, eto ang guide para sa’yo.

First Things First

Malamang mayroon ka ng “bet” o “manok” na brand o unit, pero may parte pa rin sa puso at utak mo na ‘di pa rin super sure dahil, sobrang daming choices. Ang checklist na ‘to ay magiging gabay mo sa pag-hunt down ng sulit, swak at talagang “worth the wait” na phone mo.

Ano nga ba ang pinaka magagandang features ng bawat brands? Swak nga ba ang choice mo sa ino-offer ng mga phone brands na ‘to?

A Dream Come True Sa Apple

Apple ang isa sa mga top dream phones ng mga tao –gamers, vloggers, online sellers, at iba pa. Bakit? Iba talaga ang dating ng logo at ng design. Isa rin ang Apple sa pinaka matinde ‘pag dating sa pagiging simple pero ang lakas mabigay ng “nakakaluwag-luwag” vibes.

Hindi man napakarami ng models o units na niri-release ng Apple, sure na sure ka namang pinag-isipan ang mga ito. Isa sa pinaka-highlight din ay ang pagiging palaban ng processor nito kahit pa ‘yung mga medyo lumang models na.

Ang isang pinaka top reason kung bakit ka magi-invest sa phones na ‘to na may kamahalan ay dahil secured ang mga data mo dito. Walang kaba na baka maka-encounter ka ng identity theft issues. At hindi biro ito lalo na kung nakakabit ang online banking details at iba pang personal information mo.

Solid At Strong Si Samsung

Isa pa rin ang Samsung sa pinaka trusted at favorite brand sa cellphone category. Minsan pa nga, ‘yung mga mahihilig sa Korean drama or K Pop, nai-influence din ng mga idols nila kaya napapasali sila sa Team Samsung.

Kilala ang brand na ‘to sa pagkakaroon ng very wide range ng prices. Kung budget meal mindset ka, ang A and M series ang mga puwede mong i-check out. Sabi pa ng mga critics at techies, ang A series ay for “awesome” kasi pangmalakasan ang specs kahit pa ‘yung mga mas lumang models.

Kung midrange at flagship devices naman, ang Note Series ang isang standout sa lahat dahil sa S Pen nito. Perfect ito sa mga mahilig mag-drawing at nami-miss magsulat gamit ang pen and paper.

Wow-wow-Huawei, Wow-wow-win

Time are changing at ‘yan ang pinatunayan ng Huawei. Isa sa pinaka bago at pinaka “laban lang ng laban” na phone brand.

Kung iisipin mo ng mabuti, maraming phone brands naman din ang made in China or assembled in China kaya nga ‘di surprise na magkaroon ng China represent sa usapang cellphone. Kahit medyo bago sa market ang Huawei, matagal na itong established brand sa China.
Ang highlight ng brand na ‘to ay parang talagang seryoso ito sa pakikipag-battle sa Samsung at sa Apple. Isa ito sa brands na nagpasimula ng “mura pero ‘di sing-mahal” na cellphones.

Naging isang agaw-eksena ang camera nito pati na rin ang gaming phones na mas mura sa Samsung at Apple pero sure na ‘di naman nagpapahuli sa performance at quality. Ngayon, isa rin ang Huawei sa pag-push ng 5G connection na sinasabing isang “future-proof” feature na dapat ay meron ang bagong phone mo.

Shop Me, Smile And Love Me Like A Xiaomi

Kung dati ang “china phone” ay clone at panget ang reviews, ‘di na ngayon. Malayo-layo na rin ang narating ng Xiaomi dahil bagsak presyo ito at ‘yung performance ay sakto naman lalo na para sa ‘di naman sobrang mapili. Ang battery life ang isa sa mga best features ng Xiaomi.

Yes Na Yes Po Sa Oppo

Ang Oppo naman ay naging maingay sa selfie expert category. Kung ikaw ‘yung tipo na mahilig talagang mag-picture, mag-video, at maging fashionable, malamang ito ang para sa’yo.

Kilala ang Oppo sa premium looking designs na magaan at masarap sa kamay dahil sa plastic build nito. May mga gaming phones din ang Oppo na puwede mong i-check out. Tandaan, ang magandang gaming phone, magandang daily cellphone na ‘yan.

Bibong Vivo, Todo Mo Na ‘To!

Isa pang may mga pa-fashionable flavor ang Vivo. Kung ikaw ‘yung tipo na gusto ng ‘di pahuhuli sa uso na design at vibrant colors, worth checking out ito. Kung ikaw din ‘yung mahilig mag-social media o casual mobile gamer na ayaw ng mainstream brands, go na go with Vivo!

Real Talk With realme

At syempre, ‘di pahuhuli ang realme. Isa sa pinaka surprising cellphone brands na laging may pakulo at pa-release. Isa sa pinaka maraming release ang realme. Medyo nakakagulat ‘yung baba ng presyo pero maganda rin ang quality. Minsan nga iisipin mo rin, kung bakit sobrang mura pero matutuwa ka rin talaga kasi decent ang overall reviews ng realme.

Ngayong may side by side comparisons ka na nga mga cellphone brand highlights, i-check out mo na kung ang dream phone mo dito sa #HomeCreditMarketplace. Shop now, get instant pre-approval na rin.

Naka 0% interest lahat ng installments natin kaya go mo na!

Related Posts

Sali na sa Loan in a Million Raffle Promo
Say Hello Sa Mas Mahimbing Na Tulog
New Year, New Self, Anong Kapalaran mo?
Tips How to Capture IG Worthy Photos
See all Finance Articles