4 ‘More Benta’ Tips For Online Sellers

Lahat tayo mahilig bumili ng sulit kaya parami nang parami ngayon ang lumilipat sa internet para maghanap ng mga gamit. Mula bag hanggang polo, sapatos hanggang cellphone – ang daming iba’t ibang binebenta online na swak sa budget. Kaya kung naghahanap ka ng iba pang paraan para maitawid ang sangkatutak na bills at gastusin, alamin kung paano maging patok na online reseller!

Photo from Jigso

#1 Kilalanin si Suki Para Tama ang Diskarte
Mahirap magbigay kung ‘di mo alam ang hinahanap. Kaya mainam na mag research kung aling bagay ang laging patok sa mga balak mong pagbentahan. Isang halimbawa na lang ang sapatos. Sa mundo ng mga mahilig pumorma, hinding hindi mawawala ang apela ng magandang kasuotan sa paa!

#2 Tamang Timing is Everything
Tulad ng pagkakaroon ng lovelife, ‘di pwedeng ipaubaya na lang sa swerte ang online reselling. Kailangan tama ang timing! Alamin ‘di lang kung anong oras madalas online ang mga balak mong pagbentahan pero pati na rin ang mga iba’t ibang nagiging usong bilihin.

Photo from Jigso

#3 Tularan ang Kalaban
‘Pag dating sa online reselling, kailangan mayroon kang kaalaman tungkol sa ginagawa ng mga iba pang nagbebenta para ‘di ka makapag-iwanan. Sa pag-aral ng mga diskarte nila, maaaring matutunan kung paano mag presyo at maglarawan ng mga produkto para gawing mas patok ang mga ito!

Photo from Jigso

#4 Tapat Dapat, Dapat Tapat
Mahalagang maging tapat sa kundisyon ng mga gamit na binebenta mo. Kasi sa oras na may makitang sira na ‘di mo ipinaalam bago pa man nila bilhin ang gamit, mahihirapan kang ibalik ang tiwala nila sa ‘yo bilang online reseller.

Tulad ng karamihan ng negosyo, trial and error ang online reselling. Kaya mabuting maging handa bago ka pa sumubok. Sa tulong ng pag research ng iba’t ibang diskarte at sa paninigurado na good quality ang mga ibebenta mo, mas mapapadali ang simula ng iyong pagiging online reseller!

Related Posts

Heto na Ang Hanap mong Samsung and Huawei Discounts at Freebies!
5 New Financial Habits to Develop in 2021
4 Tipid Valentine’s Date Ideas
3 Things to Consider When Buying Food Outside During the Pandemic
See all Finance Articles