10 Signs Para Palitan Na Ang Phone Mo

Pang-personal man o pang-trabaho, araw-araw kang gumagamit ng iyong phone. Sa ilang taon, malaki na ang naitulong nito sa’yo kaya mahirap mag-let go. Pero may mga panahon na kinakailangan na talaga. Ang payo mula sa Home Credit, kung nararanasan na ng phone mo ang alin sa mga sumusunod, baka kailangan mo na itong palitan.

  1. 1. Deads na deads na kaya pakawalan mo na
    Nasa gitna ka ng tawag tapos namatay bigla ang phone mo? Parang kaka-charge mo lang niyan kanina, ah? Masyado na sigurong matagal ito sa’yo kaya palitan mo na.
  2. Mas matagal ‘yung pag-lag kesa sa paggamit mo
    Madibdiban ka ng naglalaro tapos biglang nag-crash. May ise-search ka para sa trabaho pero lag nang lag ang phone mo. Kung mas nakaka-perwisyo na ito kesa sa nakakatulong, mas mainam na magpalit ka na.
  3. 1 to 100 ang bilangan ‘pag nagse-selfie
    Okay, picture! 1, 2, 3… Ay, saglit lang. Ulit. Blurred. Naku, ‘di pa maganda ‘yung lighting. Kung hindi sapat ang tatlong bilang para makakuha ka ng magandang selfie, mag-upgrade ka na!
  4. More storage space, mas happy
    ‘Yung marami kang music at dokumento kaso sumasabit ka palagi sa storage? Napipilitan ka tuloy magbura nang magbura. Sayang, ‘di ba? Kaya pumili na ng phone na hanggang 128 GB ang kayang storage!
  5. May forever sa bagal ng internet connection
    May importanteng e-mail kang ise-send kay boss pero nag-connection failed. Sa tuwing magvi-video chat ka, ang choppy. Kaya para hindi panay loading, matinding 4G connection ang sagot sa problema mo.
  6. Naka-ilang tap ka na wala pa rin
    Kung touchscreen ang phone mo pero hindi na gumagana ‘yung pag-touch mo sa screen, siguro malinaw na sign na ‘yun para magpalit ka ng phone.
  7. Naka-ilang pindot ka na wala pa rin
    Oo, iba ‘to sa nauna. Kapag sirang-sira na ang power button, paano mo ito papaganahin ‘pag naglowbatt tapos kelangan mo i-on ulit?
  8. Literal na hindi ka na makapag-charge
    ‘Pag nasira ang charger mo, madali itong palitan. Eh ‘pag nasira ang charging port mo, paano na ‘yan?
  9. Sumasabay sa init ng panahon ang battery mo
    Sa lahat ng parte ng phone, pinaka-delikado ang battery. Kaya kung ramdam mong nag-iinit na ito o lumobo na siya, mas maiging maging maingat.
  10. Nireplyan ka talaga, hindi mo lang natanggap
    Ang pinakagamit ng phone ay para makatawag at makapag-text ka. Kapag hindi ka na makatanggap nito o hindi mo na ito magawa, siguradong siguradong rason na ‘yan para magpalit ka na ng phone.

Ano man ang mga rason mo, basta bagong phone ang hanap… #iHomeCreditMoNa! Siguradong scamless shopping na legit at sulit! Kung naka-relate ka sa mga nabanggit at may plano ka na rin magpalit, share mo sa amin anong phone ang iyong pinapangarap!

Angelica Torres, Writer

Background vector created by vectorpocket – www.freepik.com

Related Posts

#Realtalk: Realme 7 or Realme 7 Pro
Bakit Solid Ang #SamsungSquad?
Shoppers’ Choice: Budget Phones You’ll Love This July 2020
iPhone 12: Anong Bago? Maganda Ba?
See all Finance Articles