Tuloy-Tuloy na Services sa My Home Credit Mobile App this ECQ

Habang patuloy pa rin ang banta ng COVID-19 at muling magkakaroon ng ECQ sa ilang mga lugar, kapit lang tayo — we will all get through this together!

Dito sa Home Credit, ang kapakanan ng aming customers ang number one priority — may ECQ man o wala. Kaya naman patuloy ang aming serbisyo habang nananatili kayong ligtas sa inyong mga tahanan.

Karamihan sa aming payment partners ay magpapatuloy ng operations, subject to LGU restrictions; para sa inyong convenience, available pa rin ang aming online payment channels para mapanatiling updated ang inyong account. Pwedeng ma-settle ang payments gamit ang online payment gateway: homecredit.ph/pay-now

Accessible pa rin ang iba pa naming services sa My Home Credit Mobile App. Bumili ng latest gadgets and appliances sa Marketplace. I-check ang available offers at mag-apply ng loan.

Tuloy-tuloy pa rin ang hassle-free shopping experience ng mga Home Credit Cardholder both online o kung lalabas man para bumili ng essentials.

Patuloy rin ang serbisyo ng aming customer support mula 6am hanggang 9pm para tugunan ang anumang katanungan tungkol sa inyong accounts.

Keep safe and healthy!

Your Home Credit Family