Ito Ang Mga Kailangan Mong Malaman Tungkol Bayanihan to Recover as One Act

at kung papaano ito nakakaapekto sa iyong Home Credit loan

Ang Bayanihan to Recover as One Act ay napirmahan na ng ating gobyerno para matulungan lahat tayong makaahon sa, physically, at economically.

Ngayong araw, napasulat kami sa iyo para i-explain ang impact ng batas na ito sa iyong Home Credit loan. Sa ilalim ng batas na ito, ang mga loans na may due dates mula September 15 hanggang December 31, 2020 ay may option na mag-avail ng one-time grace period na 60 days nang walang late fees o interest on interest. Subalit, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, ang grace period kapag in-apply ay dapat magkaroon ng interest sa outstanding principal amount sa iyong loan (tinutukoy bilang “accrued interest” mula rito).

Dagdag pa rito, tanging ang mga loan installments lamang na current at hindi past due as of September 15, 2020 ang qualified para sa one-time 60-day grace period. Ang mga installments na may due date na September 15 hanggang December 31, 2020 ay mauusog ng 60 days. Dahil dito, ang grace period ay ie-extend ang iyong loan term ng dalawang buwan.

Alinsunod dito, nais naming irekumenda na ipagpatuloy mo ang iyong payment ayon sa iyong current installment term para maiwasan ang pagdagdag ng anumang accrued interest. Para matulungan ka naming ma-save ang accrued interest, pinapayagan ka naming mag-settle ng iyong monthly installment hanggang (EXTENDED PTP DATE) na 10 days matapos ang iyong due date sa (DUE DATE). Kung wala kaming natanggap na payment sa period na iyon, ang 60-day grace period na may accrued interest ay mag-aapply sa iyong account.

Ito ang computation ng accrued interest:

Remaining Principal Amount x Monthly Interest Rate x No. of Months in Grace Period

Kung sakaling natanggap mo ang email na na-send earlier this month, kindly disregard it dahil nakatanggap kami ng updated na guidelines mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Kung mayroon kang three-year loan term sa Home Credit na magtatapos sa April 2021 at ang iyong monthly installment ay P1,500 na due tuwing ika-17 ng buwan, ganito ang magiging epekto nito sa iyong account.

Note: We have also added the accrued interest for Bayanihan to Heal as One Act (if applicable)

Due Dates Monthly Installment Bayanihan  1 Accrued Interest
September 17, 2020 1,500
October 17, 2020 1,500
November 17. 2020 1,500
December 17, 2020 1,500
January 17, 2021 1,500
February 17, 2021 1,500
March 17, 2021 1,500
April 17, 2021 1,500

Kung nag-avail ka ng 60-day grace period para sa iyong payments na due sa September 17 and October 17, 2020, ang iyong account ay magkakaroon ng mga sumusunod na pagbabago. Maaari ka ring mag-refer sa table na nasa ibaba.

Ang monthly installment ng loan na originally due sa September ay magkakaroon ng bagong payment due date sa November 17, 2020 kung saan required kang i-settle ang installment amount at ang accrued interest para sa grace period.

Do not worry, ang accrued interest na nagmula sa grace period ay mayroong flexible payment terms. Mayroon kang option na bayaran ito via one-time o staggered basis hanggang sa December 31, 2020. Maaari mong ipaalam sa amin kung paano mo nais bayaran sa pagtawag sa (02)77535712 na available mula Lunes hanggang Linggo, 6 AM to 10 PM, at handa kaming tulungan ka.

Pagkatapos nito, ang monthly installment na originally due sa October 17, 2020 ay magkakaroon ng bagong payment due date sa December 17, 2020.

Ie-extend nito ang loan maturity ng 2 months. Ang loan term ay mae-extend ayon sa bilang ng buwan na naka-grace period. In this case, ang loan term ay mae-extend ng 2 months dahil ang September at October 2020 payments ay naka-grace period. Ang bagong end date ng contract ay sa June 17, 2020.

Due Dates Monthly Installment Adjustments Bayanihan 1 Accrued Interest Bayanihan 2 Accrued Interest Total Amount to be paid
September 17, 2020 Grace Period 0
October 17, 2020 Grace Period 0
November 17, 2020 1500 600 2,100
December 17, 2020 1500 1,500
January 17, 2021 1500 1,500
February 17, 2021 1500 1,500
March 17, 2021 1,500 1,500
April 17, 2021 1,500 1,500
May 17, 2021 1,500 1,500
June 17, 2021 1,500 1,500

We hope natulungan ka naming maintindihan ang impact ng bagong batas at ang mga options na available para sa iyong account.  Kung mayroon ka pang ibang katanungan, pwede mo kaming tawagan sa (02)77535712 available mula Lunes hanggang Linggo, 6 AM to 10 PM, at handa kaming tulungan ka.

Thank you and stay safe!