Debunking Myths on E-banking Services

Kahit pa ang e-banking ay ang fastest, most convenient at hassle-free na paraan sa paghahandle ng mga financial transactions, marami pa rin ang ‘di pabor dito. Bakit nga ba?

Sa article na ito, iisa-isahin natin ang mga karaniwang issues ng mga Pinoy sa e-banking.

Myth #1: “Hindi ligtas ang aking finances, dahil madali itong mananakaw sa internet.”

Maraming nagsasabi na hindi ligtas ang kanilang pera online dahil ang mga nasa “internet” ay madaling nakawin. Ngunit, ang mga bangko at iba pang mga negosyo na nag-aalok ng e-banking ay may mga systems na nagbibigay proteksyon sa mga online accounts. Kasama rito ang antivirus, mga firewall, encryption, atbp.

Nagbibigay din ang mga ito ng access sa mga users na suriin ang mga transakyon sa kanilang account. Isa sa mga halimbawa nito ay ang one-time-passwords o OTP, kung saan kinakailangan munang ma-input ang OTP bago magpatuloy ang transaction. Ang OTP ay maaring matanggap ng user sa pamamagitan ng SMS sa kanilang registered mobile number o via email. Kung ang OTP ay di tugma sa pinadala ng e-banking entity, hindi matutuloy ang transaction.

Makakatanggap din ng SMS ang mga users kung mayroong na-encounter na error sa kanilang system, o kung mayroon mang kahina-hinalang transaksyon na naganap sa kanilang account.

Myth #2: “Madali akong mai-involve sa fraud o pandaraya.”

Kapag hindi personal ang transaction, maaring makaramdam ka ng takot na ikaw ay naloloko. Kaya naman sa kultura nating mga Pilipino, ang pagpunta sa mall upang mamili ng mga kailangan ang no.1 option lagi.

Dito pumapasok ang kahalagahan ng consumer education. Kahit pa karamihan sa mga e-banking services ay registered at monitored ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at ng Securities and Exchange Commission (SEC), may mga negosyo (halimbawa, small-time online lenders) na nananamantala sa mga consumers. Bago mag-avail ng mga services na ito, dapat ay mag-research muna tungkol dito. Tiyakin na ang mga e-banking entities ay rehsitrado sa BSP o SEC. Dapat ay tiyakin din na ang inyong online transaction ay galing sa lehitimong e-banking site.

Myth #3: “Maari akong maging biktima ng identity theft, at manakaw ang aking personal data.”

Bago mo magamit ang mga e-banking o online financial apps, kinakailangan mong i-register ang iyong personal information upang matiyak na hindi ito fake. Kadalasan, ang mga hinihingi rito ay ang iyong mobile number, e-mail, picture ng valid government IDs, selfie, address, at birthday. Isa sa mga common na misconception sa prosesong ito ay mas mapapadali ang identity theft. Pero, meron na tayong pinatutupad na Data Privacy Act o DPA, kung saan ang iyong personal data ay secured at protected. Kung sa tingin mo, ang iyong personal information ay na-exposed ng isang e-banking site, maari mo agad itong i-report sa National Privacy Commission o NPC.

Ang e-banking ay isa sa mga serbisyong kinakailangan ng isang tech-driven market. Isa itong mabilis, convenient, at safe na platform upang mag-avail ng mga produkto at serbisyo kahit nasaan ka man sa mundo.