Credit Score: Ano ito at Bakit ito Mahalaga?

Tulad ng ibang young professionals, naisip mo na rin sigurong mag apply ng iyong first credit card o loan. Kung hindi mo pa nagagawang mag research tungkol dito, maaaring inakala mo na ang pagkakaroon ng stable income at pag kumpleto ng mga requirements ay sapat nang basehan para ma-approve ang iyong application. Pero ang totoo, maari pa rin itong mareject.

Bakit nga ba? Ito ay pwedeng dahil sa iyong poor credit score. Pero bago natin pag-usapan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng good credit score, alamin muna natin kung ano nga ba ang credit score.

Ang credit score ay ang three-digit number na nagpe-predict kung ikaw ay may kakayahang makapag bayad ng iyong loan. Binibigyan nito ng idea ang mga lenders para sa iyong creditworthiness. Kaya naman, isa ito sa mga importanteng factors na nakaka impluwensya sa iyong credit card o loan application.

Ito ang ilang benefits ng pagkakaroon ng good credit standing:

Ang mataas na credit score ay nagpapakita sa mga lenders na ikaw ay may good borrowing habits – kaya maaari ka nilang i-classify as a low-risk borrower. Dahil dito, pagkakatiwalaan ka ng mga lenders at mas mataas ang iyong chance na ma-approve kung sakaling mag-aapply ka for a new loan.

Ang good credit score ay nagpapatunay na kayang mo ring magbayad ng iyong loan on time, kaya naman willing ang lenders para taasan pa ang iyong credit limit. May chance rin na ma-qualify ka for a lower interest rate.

Hindi rin nakakagulat na magkaroon ng offer for a more affordable premiums para sa iyong car or life insurance kung sakaling ikaw ay may good credit score. Ang pagkakaroon ng bad credit score ay pwedeng mag resulta sa mas mataas na insurance premiums.

Pwede ka rin magkaroon ng better deals dahil sa iyong good credit score. Pwede mo itong gamitin to your advantage kung ikaw ay nakikipag-haggle. Gamitin mo ito to prove na ikaw ay reliable borrower.

Tinitignan ng ilang employers ang credit score at credit report ng kanilang aplikante as part of their background checking. Mas kino-consider nila ang mga may good credit standing dahil maaaring mag reflect ito sa kanilang trustworthiness at pagiging responsible sa trabaho.

Ngayong alam niyo na nga mga benefits ng pagkakaroon ng good credit standing, oras na para simulan mo ang pagkakaroon ng good credit. Para sa iba pang informative money guides, mag browse lang sa iba pang articles dito.