Credit Card Management Tips for Every-Juan!

Written by: Harold Relocano


Ang cashless na pag-shopping at pag-grocery sa mall or even online has never been this easier kung mayroon kang Home Credit Card. Swipe dito, swipe doon dahil ito ay madaling dalhin, dependable, at may kasama pang perks like discounts and rewards.

Pero isa sa mga bagay na kaakibat ng paggamit ng credit card ay ang responsible use and management ng iyong finances. The last thing na hindi natin gustong mangyari ay ang out-of-control transactions dahil sa nagpatong-patong na interest resulting to a bad credit record. We don’t want that to happen, right?

Kaya naman we prepared these credit card management tips na makakatulong for every-JUAN!

Make sure na afford ng iyong monthly budget ang nasa grocery or shopping list mo. Mag-set lang ng realistic amount na kayang-kaya mong bayaran at the end of the month para hindi ma-stress ang wallet mong Hermes!

Ang pag-miss or pag-delay ng iyong payment is a big NO kapag ikaw ay credit card holder. Make sure na makakapagbayad at least ng iyong minimum amount due on or before your due date para makaiwas na rin sa frequent payment reminders about your bill. Tandaan! You are building a credit record na maaari mong magamit as your financial reference in the future.

Siguraduhing alam mo ang iyong mga naging transactions by keeping a separate list of your purchases in one month. You can always check your phone dahil every time na gagamitin ang iyong credit card, may matatanggap kang text message about your transaction.

Huwag mo lang tingnan ang total amount due ng iyong card statement. Kilatisin ring mabuti ang detalye ng bawat transaction na recorded sa susunod na page para makita kung may errors ba sa record.

Red alert! Iwasan ang suspicious websites and links na humihingi ng iyong credit card details. Ugaliing i-check ang website link na usually ay nagsisimula sa “https” with a padlock icon. Iwasan ang pag-add to cart sa mga unauthorized websites!

On the go ang pag-check ng status ng iyong Home Credit Card account using the My Home Credit mobile app. Maaaring mag log-in anytime to view your statement of account and your transactions. Mas madaling makikita ang errors if you check on it real-time.

With these tips in mind, mas managed na ang pag-gamit ng iyong card kada-swipe! Useful financial aid ang credit cards only if they are used responsibly. Kaya sa susunod na pag-gamit ng iyong My Home Credit Card, wiser ka na sa pagsho-shopping! Wiser na si Juan!