Beat Your Loan Worries: Wais Tips sa Pagma-manage ng Loan

Ang pag-avail ng personal loan ay isa sa mga paraan para makakapaglaan ng pondo para sa iyong home or school goals lalo na kung kapos sa budget. Sa mabilis na application steps, mae-enjoy mo na agad ang iyong dream item. Pero minsan, pagdating sa pagbabayad ng monthly installment, hindi maiwasang makaranas ng mga problema. Nariyan ang pagpapatong-patong ng bills, pagkalimot sa due date, emergency expenses at kung ano-ano pa.

Bagama’t may mga financial challenges na hindi natin mape-predict, may mga paraan namang makatutulong sa pagma-manage ng ating expenses, particularly ng ating loan payments.

1.Create a budget.

Ito ang pinaka-basic, proven and tested practice sa pagma-manage ng finances. Advisable na gawin ito regardless kung magkano man ang iyong income. Sa pagba-budget, magkakaroon ka ng visibility sa iyong cashflow at mas madali mong maa-identify kung alin sa mga bayarin ang dapat i-priotize. Maaari itong gawin sa iyong mobile phone, sa Excel spreadsheet, o kahit sa isang simpleng notebook depende kung saan ka mas magiging komportable. Make it a regular habit to check your budget tracker para hindi ka clueless kung saan napupunta ang iyong pera.

2.Pay early or on time.

Ang pagbabayad ng monthly payments early or on time ay mainam para makaiwas sa late fees and penalties. Kapag lagi kang updated sa pagbabayad ng loan,  mag iimprove ang iyong credit record na siyang nagsisilbing reference ng mga financial institution sa pag-approve ng iyong loan application. Ayaw nating ma-stress sa mga bills kaya habang maaga ay i-settle natin ito.

3.Pay more than your minimum installment.

Kung may extra budget, makatutulong din ang pagbabayad nang higit sa iyong monthly installment. Bukod sa mapapababa ang halaga ng interest, mas maaga ring matatapos ang pagbabayad ng iyong loan.

4.Keep an eye on your Credit Score

Ang credit score ay ang numerical expression na nagsasabi kung ikaw ay eligible na makakuha ng loan. Kapag mataas ang iyong credit score, mas malaki ang chance na ma-approve ang iyong loan application.

Paano ba natin malalaman kung maganda ang ating credit score?

Mayroon tayong government agency na  Credit Information Corporation o CIC. Ang CIC ay may authority na mangalap ng credit reports under Republic Act 9510. Ang lahat ng financing companies sa Pilipinas tulad ng bangko, lending institutions, kooperatiba etc. ay required na mag-submit ng credit information sa CIC dahil ito ay mandato ng batas. At dahil CIC rin ang nagma-manage ng centralized database, maaari rin tayog humingi ng information sa kanila tungkol sa ating credit score.

For more details to help you know more about your credit score, visit the Credit Information Corporation website at:

https://www.creditinfo.gov.ph/ about-your-cic-credit-report

Sa panahong patuloy ang napakaraming pagbabagong dulot ng pandemya, mahalagang mas maging madiskarte tayo sa aspetong pinansiyal. Hindi magiging mabigat ang mga bayarin basta’t ugaliin natin ang wastong pagma-manage ng ating finances.

Tandaan, ang wais na Pinoy ay marunong mag-budget at umuunlad sa buhay!

By: Kattrina Gentolizo