Ano Ang Mas Swak Sa Personality Mo: Condo o House & Lot?

Sa paglipas ng mga taon at panahon, nagbabago talaga ang ating mga choices at preferences sa mga bagay. Maaaring yung mga ninanais natin noong mga bata pa tayo ay hindi na tulad ng mga gusto natin sa edad natin ngayon. ‘wag kang mag-alala dahil normal ito at hindi ka nag-iisa.

Ang mga choices na pinipili natin o preference ay maraming pinagmumulan, at isa na nga dito ay kung itong choice o bagay na ating pinili ay naaayon sa atin o swak sa ating personality. Malaking parte ng pagdedesisyon natin sa mga bagay sa buhay natin ay nakadepende sa kung ano at sino tayo bilang isang indibidwal o tao.

Sa isang banda sa buhay mo, kakailanganin mong mamili nang naaayon sa iyong kagustuhan o kapasidad isa na nga dito ang pagdedesisyon sa future investments na nais mo para sa iyong sarili. At kapag sinabing future investment, pasok dito ang pagkakaroon at pagdedesisyon kung anong klase ng bahay ang gusto mo maging ang lugar kung saan ang lokasyon nito.

Naisip mo na ba kung anong klase ng bahay ang nais mo kung sakali? Condominium o House & Lot? Ano nga ba ang mas swak sayo?

Maraming factors ang dapat isaalang-alang sa pamimili ng iyong titirhan dahil bukod sa malaking halaga ang kakailanganin mo upang maiskatuparan ito, ito rin ang magsisilbing comfort zone mo.

Space

Kung ikaw hindi masyadong partikular sa laki ng espasyo na iyong ginagalawan, babagay ka sa isang condominium. Kadalasan sa mga condo ay may sukat lamang na 16sqm.

Kung nais mo namang magkaroon ng sariling garden at taniman, o malawak na space na gagalawan, malamang ay mas naaayon sayo ang isang House & Lot na may kaukulang espasyo ng bakuran.

Convenience/Location

Madalas nakatayo ang mga condominiums malapit sa mga malls o pasyalan, maging sa mga terminal ng sakayan at hospital. Kaya naman kung nais mo ay malapit sa lahat ng mga ito, magandang ideya ang pagtira sa isang condo. Gayundin, ang mga condo ay may sariling amenities na sa loob tulad ng gym at swimming pool.

Ang mga house & lot ay matatagpuan halos sa loob ng mga subdivision. Gayunpaman, karamihan sa mga house and lot ay kakailanganin pang bumyahe upang mapuntahan ang mga pangunahing establishments tulad ng schools, hospitals at mall. Maaari kang pumili ng mga subdivision na malapit sa mga ito.

Budget Affordability

Sa ngayon, maraming na ang abot-kayang house & lot na maaaring mabili. Subalit dapat ding isaalang-alang hindi lamang ang bahay kundi pati na rin ang mga gamit na ilalagay sa loob ng bahay. Kung ikaw ay may malaking pamilya at maraming ninanais na gamit sa bahay, swak sayo ang pagkakaroon ng house & lot. Mayroon ding option na maaaring hulugan ang house and lot na iyong nais bilhin.

Sa dami ng condo na nakatayo na ngayon, maaari ka nang makapili ng di gaanong kamahalan. Gayundin, kung hindi ka masyadong malagay ng gamit sa bahay, at sapat na ang mga basic na kakailanganin sa loob ng tahanan, nararapat ka sa isang condo.

Alinman ang iyong piliin, may mga swak na gamit sa bahay na maaaring makuha sa abot-kayang installment mula sa Home Credit. Siguraduhin lamang na pag-iisipan nang maigi ang desisyon kung house & lot o condo ang iyong bibilhin. Tandaan na future investment mo ito at ito ang iyong magiging comfort zone balang araw kaya importante na swak sa iyong personality ang mapipili mo.

Para sa mga exciting deals na gamit sa bahay, i-download na ang My Home Credit app sa Google Play store for free.