Taglish Version

Employee Credit Card

Guidelines

i.  Eligibility

1.  Ang mga eligible employees ay may matatanggap na email offer para sa Home Credit Card.

2.  Ito ang mga criteria para makatanggap ng email offer:

2.1  Edad 18 – 68 yrs old

2.2  Regular HC employees na may at least 1 year tenure sa Home Credit Philippines

2.3  Walang active Home Credit Card contract o POS loan – Lahat ng employees ay maaari lamang magkaroon ng one active POS OR Credit Card loan sa Home Credit. Don’t worry, papayagan na ang sabay sabay na HC loan ng mga employees soon!

2.4  Walang previously rejected HC loan sa nakaraang tatlong (3) buwan.

3.  Ang mga HCPH employees na na-meet ang mga criteria sa itaas ay welcome mag-apply, kabilang ang mga foreigners at expats.

ii.  Application Requirements & Process

1. Standard Procedure

1.1  Kapag nakatanggap ng email offer with offer ID ang employee, pwede na siyang mag apply ng credit card sa itinalagang POSes kung saan suportado ang credit card applications. Ang listahan ng POSes ay makikita dito.

1.2  Ipaalam sa mga Sales Associates na ikaw ay HC employee na mag-aapply ng credit card. Ipakita ang HCPH ID sa mga Sales Associates.

Note: Strictly no HCPH ID, no processing! Hindi mapoproseso ang application kapag hindi na-present ang HCPH employee ID. Pwede kang mag apply ulit any time basta dala mo ang HCPH employee ID.

1.3  Mga requirements: Dalawang (2) valid IDs

1.3.1  Isang (1) Primary ID

Note: Secondary ID lamang ang HCPH employee ID

1.3.2  Isang (1) ID na may address

Note: Ang listahan ng tinatanggap na primary at secondary IDs ay makikita dito.

1.4  IMPORTANTE! Upang maging maayos ang application, dapat siguraduhin ng empleyado na ang pangalan niya sa kanyang mga IDs ay tumutugma sa mga HR records, katulad ng kanyang paystub (tingnan sa baba).

Note: Kung sakaling kailangan mag-update ng HR records, maaring mag-send ng request sa HR.helpdesk@homecredit.ph

Ang Typographical errors sa application form ay pwedeng maka-apekto sa iyong loan approval.

1.5  Ang employee ID number ng applicant ang gagamitin bilang offer ID sa card application sa POS.

1.6  Bawal ipaalam ang iyong salary habang pina-process ang loan application. Hindi itatanong ng Sales Associates ang iyong net income.

Note: Kapag nagtanong ang Sales Associates tungkol sa net income, paki-remind sila na hindi dapat ito hinihingi sa employee applicants

1.7  Bilang confidential ang salary ng mga employees, ang pay slips ay hindi pwedeng tanggapin bilang valid document ng mga Sales Associates.

1.7  IMPORTANTE! Siguraduhin na tama ang na-input ng SA na full name at walang typo errors sa pag review ng Applicant Consent Form (ACF). Dapat nakalagay sa ACF ang iyong full name.

Email Confirmation

Dapat makatanggap ka ng email confirmation na naglalaman ng iyong account number at e-signed contract documents (PDF) sa loob ng 24 hours na pag-apply ng credit card contract sa POS. Kapag hindi ka nakatanggap ng email, paki-report kaagad sa Team-PH-Risk-UWI-Analytics, ibigay ang iyong name at account number para maiwasan ang komplikasyon sa iyong credit card.

2.  Applicable sa Non-Filipino citizens or Foreigners

2.1  Ang foreigner employees ay pwedeng mag-apply sa itinalagang POSes sa Market! Market! mall at sa Sales Caravan events. Ang itinalagang POSes sa Market! Market! mall ay ang mga sumusunod:

2.1.1  E Phone – Market! Market!

2.1.2  I Tech – Market! Market!

2.1.3  Call Plus – Market! Market!

2.2  Kapag ginamit ng foreign employee ang driver’s license o passport sa pag-apply, ang Philippine driver’s license or Philippine passport lamang ang pwedeng tanggapin.

2.3  Kung kailangan ng foreign employee ang primary ID o ID na may complete address, pwede silang mag request ng TIN ID sa helpdesk@homecredit.ph. Ang TIN ID ay pwedeng maging primary ID at ID na may complete address, kaya ito at ang company ID ay sapat na para makapag-apply ng credit card. Para mag request ng TIN ID, dapat ibigay ng employee sa HR helpdesk na may hard o soft copy ang mga kinakailangan:

2.3.1  ID na may complete address sa Pilipinas,

2.3.2  1×1 ID photo,

2.3.3  Signed authorization letter,

Ang lead time para sa pag process at deliver ng TIN ID ay umaabot ng 4 na araw.

I-download ang TIN ID request form.

iii.  Statement Cut-off and Payment

1.  Statement Cut-off

1.1  Ang Statement Cut-off date ng employees ay tuwing katapusan ng buwan, kahit kailan pa ang petsa ng card application.

1.2  Ang Statement of Account (PDF) ay ipapadala sa iyong email address na binigay noong card application, isang araw pagkatapos ng cut-off date.

2.  Payment

2.1  Local employees

2.1.1  Ang mga Local employees na nag-avail ng credit card ay mai-enjoy ang convenience ng pagbabayad ng Minimum Amount Due (MAD) sa pamamagitan ng mandatory salary deduction tuwing 5th payout. Para ma-enjoy ang interest-free period, maaaring bayaran ng employee ang remaining balance sa pamamagitan ng pagbabayad sa payment channels on or before mag due date.

2.1.2 Upang maiwasan ang mga kaso ng overpayment, ipinapayo na hintayin ng empleyado ang kanyang statement of account (SOA) bago gumawa ng anumang personal payments sa mga standard payment channels.

2.1.3  Alalahanin na ang minimum amount due (MAD) na nakalagay sa SOA ay palaging kakaltasin mula sa suweldo ng empleyado tuwing 5th araw ng buwan. Kung gusto man ng empleyado bayaran ang buong outstanding amount, kailangan lamang bayaran ang natitirang balanse na hindi kasama ang MAD.

2.1.4  Kung sakaling hindi sapat ang salary ng employee para bayaran ang MAD sa kasalukuyang buwan (mga possible dahilan ay extended AWOL, maternity leave, etc.) Inaasahan ang employee na magbayad sa standard payment channels para maiwasan ang delinquency.

2.2  Expatriates

Expatriate employees, o iyong mga salaries na hindi na-process/na-credit locally ng HCPH HR, ay hindi magiging salary deduction maging anuman ang amount. Kaya, inaasahan ang expats na magbayad ng anumang dues sa standard payment channels na available.

iv.  Employee Resignation and Termination

1.  Kapag nag-resign ang employee, mayroon siyang option na ipagpatuloy ang kanyang HC Card ngunit ang membership fee ay kailangan bayaran kada buwan.

2.  Ang mga employees na cardholders pa din pagkatapos ng pag alis sa kompanya ay dapat magbayad ng monthly dues sa standard payment channels.

3.  Ang mga employees na natanggal sa mga sumusunod na dahilan (ex. AWOL, Sabotage, Gross inefficiency, fraud, theft, etc.), ang credit card contract ay magiging terminated at bibigyan sila ng abiso tungkol dito sa loob ng 7 days within termination ng card. Ang full outstanding balance ay dapat bayaran.

4.  Sa resignation o termination, may karapatan ang HCPH na bawasan ang final pay ng employee ng kahit anumang halaga na currently due o delinquent sa credit card.

v.  Internal Fraud & Code of Conduct

1.  Ang offer codes ay pwede lamang gamitin ng employees na napadalahan ng email offer. Mahigpit na ipinagbabawal ipaalam ang offer codes sa sinuman, maging kaibigan o kapamilya.

2.  Sa Offense Against Integrity, item 17 (Dishonesty & Fraud) sa page 18 ng Code of Conduct manual, internal fraud covers acts of undue data/record manipulation in company systems (electronic or otherwise), dishonest reporting of data, and failure to include crucial data in reporting/recording among others. Kaya, anumang aksyon na naglalayon manipulahin ang loan contracts ng HC employee o hindi, na nagawa ng employee sa pamamagitan ng awtoridad o access sa trabaho ay itinuturing na act of internal fraud.

Note: Ang pag manipula sa Contract ay pagbibigay ng undue exemptions/benefits o pagpapatupad ng proseso sa labas ng napagkasunduan ng contract signatory at inaprubahan ng Product Change Approval Request document (na nilagdaan ng managers at stakeholders).

3.  Ang mga empleyado ay dapat itrato bilang standard customer. Sa ganito, ang mga kontrata ng empleyado ay dapat dumaan sa mga regular na proseso, katulad ng standard application processing, contract checking at activation, at iba pa. Bawal mag-intervene sa pagproseso ng kontrata, sarili o sa iba man.

4.  Sinumang empleyado na guilty sa paggawa ng internal fraud para sa kanilang loan contract, o sa ibang tao, ay maaaring ma-terminate ayon sa nakasaad sa Code of Conduct manual.

DISCLAIMER

Hindi guaranteed na approved agad ang application ng Home Credit employee dahil ito ay sasailalim pa sa application evaluation.

Tignan ang FAQs dito: https://intranet.homecredit.ph/files/2019/05/FAQs-for-Home-Credit-Employee_Taglish-Version-05-06-19.pdf